Home Headlines P22-M puslit na sigarilyo nasamsam sa Nueva Ecija

P22-M puslit na sigarilyo nasamsam sa Nueva Ecija

445
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN – Umabot sa mahigit P22 milyon ang halaga ng umano’y puslit o smuggled na sigarilyong nasamsam ng pulisya sa lungsod nai to nitong June 29.

Batay sa ulat ng Nueva Ecija Police Provincial Office, nagsasagawa ng routine mobile patrol sa bahagi ng Ocampo St., Doña Adela Subd., Barangay Mabini Homesite ang mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station nang mapansin ang kahina-hinalang dalawang van na pinaniniwalaang may karga na iligal na sigarilyo.

“The mobile patrol team observed an unidentified individual hurriedly boarding a gray Toyota Hi-Ace van, leaving behind a white Toyota Hi-Ace van with its rear door open, exposing several boxes of suspected smuggled cigarettes,” saad sa ulat ng NEPPO.

Kasunod nito ay isa pang gray Toyota Hi-Ace van na naglalaman ng 19 na kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes at isang Toyota Fortuner, may sakay ding sigarilyo, ang kanilang namataan.

“Further inspection of a nearby house believed to have been used as a storage area resulted in the discovery and recovery of a large volume of additional suspected smuggled cigarettes,” anang pulisya.

Nakarekober ang mga operatiba ng isang sling bag na naglalaman ng driver’s license na inaasahang magiging daan upang matukoy ang mga personalidad sa likod ng smuggled na sigarilyo.

Sa imbentaryo ng imbestigador at kinatawan ng Bureau of Internal Revenue, Revenue District Office No. 23B, Cabanatuan City, South Nueva Ecija, ang mga nakumpiskang kontrabando ay kinabibilangan ng: 55 master cases of Golden Leaf Red; 13 master cases ng Carnival Green; 59 master cases ng Modern Lights; 27 master cases at 44 reams ng HP Red; 91 master cases ng Modern Red; 55 master cases ng Far Star King Size; 10 master cases ng Camel Yellow; 57 master cases at isang ream ng RGD Menthol; isang master case ng Modern American Blue Blend; 48 reams ng Cannon Menthol; isang master case at 14 reams ng Gold City; 46 master cases ng BON cigarettes; 50 master cases ng Carnival Red; 88 master cases, 48 reams at eight packs ng RGD Red; 10 master cases ng Modern Red cigarettes.

Narekober mula sa bahay naman ang 30 master cases ng RGD Red; mula sa gray Toyota Hi-Ace Van ang 24 reams ng Modern Black Menthol; mula sa Toyota Fortuner SUV; at 19 master cases ng  RGD Red mula sa white Toyota Hi-Ace van.

 

Sa kabuuan, umaabot ang mga ito sa 563 master cases na nagkakahalaga ng P22,663,840, ayon sa pulisya.

Ang mga ebidensiya ay dinala sa CCPS para sa karagdagang beripikasyon at disposisyon samantalang inihahanda ang mga kasong violation of Section 254 in relation to Section 145 of the National Internal Revenue Code of the Philippines at RA 10643 (Graphic Health Warnings Law) laban sa isang suspek na 51-anyos na lalaking residente Brgy. MS Garcia, Cabanatuan City.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here