Home Headlines P2-M iligal na droga nasamsam, 4 timbog sa NE buy-busts

P2-M iligal na droga nasamsam, 4 timbog sa NE buy-busts

467
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Umaabot sa P2-milyon halaga ng iligal na droga, kabilang ang cannabis vape products, ang nasamsam mula sa apat na hinihinalang pusher na kumagat umano sa buy-bust operations sa magkahiwalay na barangay nitong Linggo, Aug. 9.

Ayon kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Col. Richie Claravall, ang mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station sa ilalim ni director Lt. Col. Renato Morales ay naglunsad madaling araw pa lamang ng anti-illegal drug buy-bust operation sa Barangay Lagare, na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang lalaking high value target. 

Nasamsam sa naturang operasyon ang tinatayang 5,690 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at 305 gramo ng high grade marijuana (kush), iba’t ibang disposable vapes at vape cartridges na naglalaman hinihinalang cannabis resin. Sa kabuuan ay P1,508,800 ang tinatayang halaga ng mga nasamsam, ayon kay Claravall.

Bandang 5:18 ng hapon naman nitong Linggo nang magsagawa ng katulad na operasyon ang CCPS sa Barangay Sumacab Norte, kung saan dalawa ring HVI, isang 31-anyos na babae at 32-anyos na lalaki, ang nasakote, ayon sa pulisya.

Nasamsam mula sa dalawa ang humigit-kumulang 58.86 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P400,248, ulat ng pulisya.

Sa kabuuan, nasa P1,909,048 ang nasamsam na iligal na droga sa dalawang anti-drugs sting.

“The arrested suspects and confiscated evidence were brought to Cabanatuan City while appropriate charges for violations of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) are being prepared,” ulat ng NEPPO.

Binigyang-diin ni Claravall na ang magkasunod na matagumpay na.operasyon ay “Malaking hakbang ito sa ating kampanya laban sa ilegal na droga. Hindi tayo titigil sa pagkakahuli sa mga nasa ating operasyon—patuloy nating susundan ang kanilang mga koneksyon at network upang matukoy ang iba pang sangkot. Makakaasa ang ating mga kababayan na haharap sa batas ang sinumang mapapatunayang sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.” Contributed photos

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here