DONYA REMEDIOS TRINIDAD, Bulacan – Gaano kayaman ang Bulacan?
Ito ang katanungang sinagot ni Gob. Wilhemino Alvarado sa isang pahayag noong Martes, Agosto 31 kaugnay ng paglulunsad ng Green Line Text Facility Project ng Globe Telecommunications sa Capitol Gymnasium.
Ayon kay Alvarado ang Bulacan ay pinagkalooban ng Diyos ng kabuuang 262,5000 ektaryang lupain na ngayon ay tahanan sa halos 3-milyong Bulakenyo.
Ang 36 na porsyento o 93,298 ektarya ng nasabing lupain ay nasasakop ng walong barangay ng bulubunduking bayang ito na tahanan naman sa 19,086 katao batay sa isinagawang census ng National Statistics Office noong 2007.
Ayon kay Alvarado, ang 29,500 ektaryang bahagi ng Bulacan ay nasasakupan ng mga palaisdaan sa baybayin ng lalawigan; 79,000 ektarya ang nasasakop ng kaparangan; 100,000 ektarya ang kabundukan, at 54,000 ektarya ang bahaging nasasakop ng likas na yamang mineral.
Kabilang sa mga likas na yamang mineral ay ang ibat-ibang uri ng marmol, pilak, bakal, semento, ginto at iba pa na pawang matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng lalawigan partikular na sa bayang ito.
Ilan sa mga uri ng marmol na mamimina sa lalawigan ay ang tea rose na may mga hiblan o guhit na kulay pula, bukod pa sa mga marmol na kulay beige, pula, berde, at golden beige na unti-unti ng nakikilala sa pandaigdigang pamilihan.
Sa mga nabanggit na uri o kulay ng marmol, ang tea rose ang itinuturing na pinakasikat at pinakamahal, ngunit ang operasyon nito ay nakatigil dahil sa usapin na nasa Korte Suprema.
Matatandaan na ang pagmimina ng tea rose marble ay nilabanan nina dating Gob. Josie Dela Cruz noong 2006 na ipinagpatuloy naman ng kanyang kapatid na si dating Gob. Joselito Mendoza na ngayon ay kongresista ng ikatlong distrito ng lalawigan na sumasakop sa mga bayan ng Norzagaray, Angat, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael at sa bayang ito.
Ayon kay Alvarado, ang tea rose marble ay mamimina sa dalawang bundok sa bayang ito, at batay sa pagtaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na binanggit ng gobernador ay umaabot sa P10-trilyon hanggang P15-trilyon ang halaga ng mamiminang tea rose marble sa kabundukan ng Bulacan.
“Ang P15-trilyon ay katumbas na ng 10-taong budget ng Republika ng Pilipinas, at 1,000 taong budget ng Lungsod ng Makati,” ani Alvarado bilang patunay sa yaman ng Bulacan.
Ngunit ikinalungkot niya na sa kabila ng likas na yaman ng Bulacan ay P15-milyon lamang ang nakulektang buwis ng kapitolyo sa nagdaang taon.
Sinabi ni Alvarado na ang nasabing buwis ay katumbas lamang ng 10-araw na koleksyon ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga mula sa quarry ng lahar na ibinuga ng Bulkang Pinatubo noong 1991.
Ang higit na malungkot sa kalagayang ito ay ang mga ulat na naipon ng tanggapan ni Alvarado na ang tea rose mula sa Bulacan na naipupuslit palabas ng bansa, at idinadaan sa Subic Bay Freeport.
“Dapat ang makinabang sa pagmimina ay ang lalawigan ng Bulacan, pero walang kinikita dahil sa smuggling,” ani Alvarado.
Ito naman ay kinumpirma ni Abraham Cinco, ang pangulo ng Marble Association of the Philippines (MAP) na nagsabing kapag dumalo siya sa mga international tradeshow ay nakikita niyang ibinebenta doon ang tea rose marble ng Bulacan.
“Alam ko na tigil ang pagmimina ng tea rose sa Bulacan, pero ang masakit ang nagbebenta sa ibayong dagat ng tea rose ay mga Chinese,” ani Cinco.