Home Headlines P1.8-M shabu nasamsam sa sikyu, kasabwat

P1.8-M shabu nasamsam sa sikyu, kasabwat

221
0
SHARE
Ang dalawang suspek habang inihahanda ng Marilao Police ang kaso laban sa kanila. Kuha ni Rommel Ramos

MARILAO, Bulacan — Nasamsam ng mga otoridad ang P1.8-M halaga ng
hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Marilao police laban sa
isang securiry guard at kasamahan nito sa Barangay Ibayo kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mark Llanera Kamsa, security guard at
residente ng Baseco Compound, Manila at Jonathan Paleño Adona, electrician at
residente ng Baranay Lias, Marilao.

Nakuha sa kanila ang 160 gramo ng hinihinalang shabu na
tinatayang nagkakahalaga ng P1.8 milyon.

Ayon kay Lt. Col. Bernard Pagaduan, hepe ng pulisya, may malaking grupo na
kinakaaniban ang suspek na security guard dahil dumadayo pa ito sa Bulacan mula
Manila at malaki ang gramo ng shabu ang dala-dala nito.

Patuloy aniya na iimbistigahan ang suspek na si Kamsa upang malaman ang grupo
na nasa likod nito.

Aminado naman ang mga suspek sa krimen at dinepensa na napag-utusan lamang
sila. 

Ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous
Drugs Act ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Marilao police.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here