Home Editorial Contents Opening our hearts, extending our hands

Opening our hearts, extending our hands

1105
0
SHARE

I JOIN the Christian faithful in celebrating the joyous occasion of Christmas. This day reminds us of the birth of a savior who exemplified the true meaning of love, grace and selflessness to the world.

As we remember the true meaning of this solemn festivity, may we emulate Christ’s empathy and kindness by opening our hearts and extending our hands to everyone, especially to those who are less fortunate, and sharing them the bounty and blessings we have received in the past year. This season is a perfect time, not only to partake in our traditions, but also to reflect on the importance of family as the center of our celebration.

I call on every Filipino across the globe to be an inspiration to others through our small acts of benevolence. As we delight ourselves in the warmth of our loved ones, let us strengthen our bonds and deepen our relationships with one another. Together, let us rejoice in Christ’s compassion and celebrate our shared humanity as we steer our nation towards a brighter tomorrow.

I wish everyone a happy and blessed Christmas.

– Pres. Rodrigo R. Duterte

Liwanag ng katotohanan at pag-ibig ang mananaig

ANG ARAW na ito ay napaka-espesyal sa bawat pamilyang Pilipino, dahil ito ang panahon kung kailan tayo nabubuo at nagkakasama-sama—umuuwi sila Nanay at Tatay, sila Ate at Kuya, at kabi-kabila ang kasiyahan sa mga tahanan. Bata man o matanda, bakas sa mukha ng bawat isa ang tuwa na para bang walang problema ang hindi natin kayang lagpasan.

Sa gitna ng makukulay na mga palamuti, kaliwa’t kanang handaan, at masasayang awitan, huwag sana nating kalimutan ang tunay na diwa ng Kapaskuhan: ang pagbibigayan, pagkakapatawaran, at malasakit sa ating kapwa.

Sa ating pagdiriwang, patuloy sana nating alalahanin, akayin, at yakapin ang mga naulila, mga kapatid nating nangangailangan, nagugutom, mga walang masilungan, at nasalanta ng mga sakuna. Ito ang pinakamagandang regalo na maibibigay natin sa ating kapwa at sa ating bansa.

Magkakaiba man ang ating pinagmulan, pananampalataya, at mga paniniwala, iisang mukha lang sana ang makita natin sa ating patuloy na pakikisalamuha—ang mukha ng pagkakaisa at pagasa, sa hirap man o ginhawa.

Ang mga pagdiriwang na katulad nito ay isang pambihirang pagkakataon upang ipakita natin na sa huli, ang mga bagay na nagbubuklod sa atin ay higit na mas matibay kaysa sa mga bagay na sumisira sa ating pagkakaisa.

Magtiwala tayong anumang pagsubok ang dumating, ang liwanag ng katotohanan at pag-ibig ang palaging mananaig…

–Vice President Leni Robredo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here