Home Headlines ‘One Time, Big Time’ inspection isinagawa ng HPG

‘One Time, Big Time’ inspection isinagawa ng HPG

1148
0
SHARE

Inspection sa mga tindahan ng second hand spare parts sa Zambales na pinangunahan ni ZPHPT chief Major Joseph Carlit. Kuha ni Johnny R. Reblando



OLONGAPO CITY – Isang
One Time, Big Time” surprise inspection sa mga tindahan ng mga segundamanong sasakayan at spare parts ang sabay-sabay na isinagawa ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa buong bansa kakaibat ng anti-carnapping drive ng ahensya.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni HPG director Gen. Elly Cruz na ang gagawing pag-check sa mga tindahan ng sasakayan ay isang paraan upang maiwasan ang bentahan ng mga chop-chop na sasakyan.

Sinabi ni Zambales Provincial Highway Patrol Team (ZPHPT) chief Major Joseph Carlit na sa Region lll ay may mga identified na ang HPG na binabagsakan ng mga nakaw na sasakyan, pero dito sa Zambales at Olongapo City, karamihan sa mga ibenebenta na surplus ay galing sa Pampanga at karamihan dito ay piyesa ng truck at madalang ang SUV.

Naunang isinagawa ang surprise inspection ng ZPHPT, Subic PNP at local government unit sa Beltran Auto Supply sa Barangay Calapacuan, Subic.

Kasunod nito ang Jovy Moreno Auto Parts at Warbeth Son Enterprise sa Barangay New Cabalan, Olongapo City kung saan kasama ng HPG ang mga tauhan ng Police Station 4 ng Olongapo City Police Office, at opisyal ng barangay.

Panawagan ni Major Carlit sa mga nagnanais bumili ng mga sasakayan na kinakailangang maging mabusisi sa pagbili, tingnan at alamin ang tindahang binibilhan kung ito ay lehitimong nagbebenta ng sasakyan para maiwasan ang abala.

Pinangunahan ni Bataan HPG, Lt. Marlon Agno katuwang ang Bataan PNP ang pagpapatupad sa ang One time, Big time visitorial power sa mga tindahan ng mga second hand motor vehicles at spareparts sa lalawigan ng Bataan. Kuha ni Johnny R. Reblando

Sa Bataan, pinangunahan ni Lt. Marlon Agno, hepe ng Bataan HPG, ang surprise inspection sa mga tindahan ng mga second hand vehicles.

Babala ni Lt. Agno:Sa mga bumibili ng mga bago at second hand na sasakyan kasama na ang mga motorsiklo dapat makipagugnayan muna sa tanggapan ng HPG o pinakamalapit na tanggapan ng PNP para makatiyak na ang binibiling sasakyan ay malinis ang dokumento”.

Ini-inspection din ng HPG kung ang isang tindahan ng sasakyan ay may kaukulang business permit.

Umaabot naman sa 22 sasakyan at spare parts ang nainspect  at ipinakita ng may-ari ang dokumento gaya ng CR/OR, updated DTI at business permit kasama ang receipts o ang source ng second hand spare parts.

Kabilang sa mga ininspeksyon ng HPG ay ang Yheng Car Exchange na pagmamayari ni Francisca Barber sa Roman Highway, Barangay Ala-uli; Guiyab Auto Supply na pagmamayari Wilson Guiyab ng Barangay Tuyo; at Reyes Auto Park and Enterprises napagmamay-ari ni Michael Reyes ng Barangay Tuyo, lahat sa bayan ng Pilar, Bataan.

Katuwang ng HPG Bataan sa One Time, Big Time operations ang kagawad ng media, Balanga PNP atBataan Provincial Crime Laboratory Office.

Mahigpit namang ipinatupad ng kapulisan ang safety precautionary measure sa Covid-19 pandemic tulad ng pasusuot ng face mask, face shield, gloves at social distancing.)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here