‘OA’ si Manny Pacquiao

    289
    0
    SHARE
    Na-OA-yan kay Manny Pacauiao ang ilang staff ng kanyang sitcom na Show Me The Manny sa GMA 7. 

    Kasagsagan iyon ng pag-a-advance taping ni Manny para bilang paghahanda sa susunod na laban ay hindi mababakante ang Sunday time slot.

    Pero hindi ang pagiging subsob sa trabaho ni Manny ang napansin ng kanyang co-star at iba pang cast. 

    Unang araw ng taping, naloka ang co-star nang pumarada’t napaligiran sila ng mga canine dogs, hawak-hawak sa kolar ng ilang mga tauhan ng pulisya. Sandaling nag-ikot ang mga asong pinagana ang kanilang matalas na pang-amoy, sabay lumabas na rin ng studio. Maya-maya, kasunod na ng mga iyon si Manny.

    Hindi pa natapos dun ang istorya, mas nakakawindang daw ang sumunod na taping kinabukasan. Bilang na bilang ng co-star ni Manny, umabot sa tatlumpu’t anim o 36 ang entourage ng boksingero, mula sa mga bodyguards nito hanggang alalay

    Ganoon din ang naging eksena nang naging panauhin ng Startalk si Manny.

    On your way in and out of the studio ay may pasilyo kang lalakaran. nakahilera ang may apat na bodyguard outside the dressing room. And more or less, tatlumpu’t anim ang kanyang alalay.

    ‘Di ba,sobrang OA na ‘yun?


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here