Home Headlines North Luzon East Expressway Phase 2, ipapasubasta na ng DPWH

North Luzon East Expressway Phase 2, ipapasubasta na ng DPWH

769
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE (PIA) — Nagtatawag na ang Department of Public Works and Highways o DPWH ng mga interesado at kwalipakadong kumpanya na magiging konsesyonaryo ng Phase 2 ng North Luzon East Expressway o NLEEX.

Ayon kay DPWH  Undersecretary for Unified Project Management Office Operations at Build Build Build Chief Implementer Emil Sadain, ang mapipili ay bibigyan ng konsesyon upang isakatuparan ang proyekto sa susunod na limang taon sa pamamagitan ng Built-Operate-Transfer.

Nagkakahalaga ng 44 bilyong piso ang NLEEX Phase 2.

Mayroon itong apat na segment na lalatagan ng kalsadang may tig-dalawang linya ang magkabilang direksiyon.

Kinabibilangan ito ng Segment 1 na mula sa Bigte sa Norzagaray hanggang sa Biak-na-Bato Road sa San Miguel na may habang 30.91 kilometro.

Tatahak ito sa mga bayan ng Angat, San Rafael at San Ildefonso kung saan magkakaroon ng mga entry at exit interchanges.

Ang Segment 2 ay mula sa Biak-na-Bato Road sa San Miguel hanggang sa Fort Magsaysay Road sa Nueva Ecija na may habang 30.56 kilometro.

Samantala, ang Segment 3 at 4 ay tatahak sa mga lungsod ng Cabanatuan at Palayan kung saan ikakabit ito sa Central Luzon Link Expressway.

Kaugnay nito, ang Phase 1 ng NLEEX ay gagawin ng konsesyonaryong Ausphil Tollways Corporation na pinagkalooban ng konsesyon ng pamahalaan noon pang 2007.

Ito’y upang ilatag ang NLEEX mula sa Commonwealth Avenue, tatahak sa gilid ng La Mesa Parkway sa Lungsod Quezon hanggang paabutin sa Bigte, Norzagaray. Kasama rito ang pagtatayo ng Tungkong Mangga interchange sa lungsod ng San Jose Del Monte.

Nagkakahalaga ang 19 kilometrong NLEEX Phase 1 ng 7.8 bilyong piso.

Kapag natapos ang kabuuan ang proyekto, , ang dating mahigit dalawang oras na biyahe mula sa silangang bahagi ng Bulacan patungo sa lungsod ng Quezon ay magiging 30 minuto na lamang. (CLJD/SFV-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here