Noranians, Vilmanians nagnakaw ng eksena sa 25th Star Awards For Movies

    434
    0
    SHARE
    Mabituin, maningning at matagumpay  ang  Silver Anniversary ng PMPC  Star Awards for Movies sa pamunuan ni Roldan Castro  na ginanap nu’ng Huwebes, May 28, 7 PM sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University (ADMU), Loyola Heights, Quezon City.

    Buhay  na buhay ang mga Vilmanians at Noranians na  nag-aaway pa rin, nagpaparinigan, nagparunggitan, nagsasagutan  at nagpipintasan  tungkol sa kanilang mga idolo kaya maingay sa audience. Tinawag na tanga si Ate Guy at ‘Betamax Queen’ daw si Ate Vi na ayon sa aming source ay ikina-offend ng Gobernadora dahil narinig niya ito. 

    “Napagsama n’yo ulit ang mga Noranians at Vilmanians,” puna ni Ricardo Lee.

    Humihingi rin kami ng paumanhin sa kanya kasama ang mga Noranians  sa di sinasadyang   di  nailagay  sa souvenir program ang article ng special recognition ng ‘Himala’ ni Ate Guy at ang mismong pagbibigay ng special award na ito. Marami kasing pangyayari ang gumulo sa aming sked kagaya ng aming pagkakasakit habang ine-edit ang aming souvenir program materials at may mga bagay na nakaligtaan. May kasalanan din po ang aming printer na hindi naisali sa mga artikulo ang edited version na ipinadala namin sa kanila.

    Out deepest regrets sa hindi naming sinadyang pagkakamali.

    Anyway, kung may Vilma at Nora sa Star Awards meron ding Maricel Soriano (host), Sharon Cuneta (waging best actress bagamat nasa ibang bansa at si Helen Gamboa ang tumanggap ng kanyang tropeyo), Snooky Serna na nanalong Best Supporting Actress .

    “Ai Ai, bati na tayo,” sambit niya sa kanyang acceptance speech dahil host si Ai Ai. Humingi siya ng tawad sa Comedy Concert Queen  na  nag-flashback  sa  amin  na nagkagalit pala sila dahil sa pinagtripan ni Snooky si Ai   at sinabing plastic ito. Ang sabi ni Kukay ay inisnab siya nito  sa premiere party of Volta way back in 2004 at birthday ng komedyana.

    Gabi ng mag-ina ang Star Awards dahil hindi lang si Mega ang  Best Actress, panalo rin si KC Concepcion bilang New Movie Actress of The Year. Sayang nga lang at parehong nasa ibang bansa sila ngayon kaya hindi nila personal na natanggap ang trophy. Nagtatanong ang ilan kung bakit hindi  tinanggap ni Helen Gamboa ‘yung tropeyo ni KC samantalang ‘yun kay Mega ay siya ang tumanggap?

    Kung host ang  Comedy Box Office Queen  na si Ai Ai delas Alas at nag-proclaim na forever Vilmanian siya nu’ng gabing ‘yun, nag-perform at finale naman ang Box Office Queen na si Sarah Geronimo at nanalong Female Star of the Night. Naloloka rin ang audience kay Ai Ai dahil ‘inay’ ang tawag niya kay Maricel  although ito  talaga ang tawag ng mga malalapit sa Taray Queen.

    Tawanan din ang tao sa opening number ni Ai Ai lalo na sa spiels niya na sa panahong ito hindi na kailangang gumastos ng malaki. Blockbuster daw ang  video scandal ngayon sa murang halaga. Kuwarto lang daw ang katapat at dalawang tao lang puwede na. Tipid pa raw sa damit dahil hindi na kailangan ng costume. Ang kailangan lang daw ay  music sabay sayaw ng ‘Careless Whisper’.  May lalaking lumabas na  naka-boxer, naka-topless, naka-boxer shorts at may panyo sa ulo. Pagkatapos ay may lumabas ding lalaki na may dalang laptop.

    Hindi pahuhuli ang Action Prince-TV Host na si Cesar Montano na  host din ng parangal. Nagustuhan  niya ang ginawang damit  ni   Paul Cabral  courtesy ng production at gusto niyang magpagawa pa ng suit sa naturang designer. Nandoon din sina Christopher de Leon na kumanta sa tribute kay Ate Vi,  presenter din ng Best actress Award si Richard Gomez na kung hindi nahuli nang dating ay puwedeng maging Male Star of The Night. Ayaw namang mag-presenter  ni Gloria Romero dahil mataas daw ang entablado at nahihilo siya.

    Anyway, pangalawang taon na ngayon ni John Lloyd Cruz na Male Star of The Night ng Star Awards. Nagpasalamat siya sa magulang niya na binigyan siya ng ganu’ng mukha. Di naman siya guwapo, cute lang siya kaya naghiyawan ang mga tao.

    Gabi rin ito ng pelikulang ‘Baler’ dahil humakot ito ng  siyam na tropeyo.

    Touching ang speech ni Jericho Rosales at napaiyak sa sobrang saya sa pagkapanalo niya ng Best Actor. “Solo mo ‘yan at wala kang kahati,” bati namin sa kanya dahil nu’ng huli siyang manalong Best Actor  nu’ng 2006 para sa ‘Pacquiao …The Movie’ ay ka-tie niya si Piolo Pascual.

    Buong ningning niyang inamin na umiyak siya sa Metro Manila Film Festival  Awards Night dahil nanalo ng 10 awards ang ‘Baler’  puwera siya.

    Nakakaiyak at emotional  naman ng talumpati ni Kuya Germs nu’ng manalong Best Supporting Actor ka-tie si Emilio Garcia. Akala niya ay hindi na siya makakatanggap ng acting trophy dahil Sampaguita days pa nu’ng huli siya ma-nominate. 25 years na raw siya sa showbiz, ngayon lang siya nanalo. Kung hindi pa raw nauso ang indie, di pa siya mananalo. Sa sobrang kaligayahan, kilometric ang speech.

    Bagamat 10 years na sa showbiz si Sherwin Ordoñez at naging leading man na sa serye ng GMA 7, ‘ Kurap’  ang una niyang pelikula at tumanggap siya ng award. Kahit tatlo na ang anak niya ay guwapo’t delicious pa rin ito.

    Comedy naman dahil  nag-CR  si Vice Mayor Herbert Bautista  (Darling of the Press) at  nagtatakbo siya nu’ng  tanggapin na ng presenter na si Niña Jose ang kanyang trophy. Akala ni Nina ay wala si Vice.

    Ang TV airing ay naitakda sa ABS-CBN 2 SUNDAY’s BEST, June 21, 2009 .Sa direksiyon ni GB Sampedro. Ito’y prodyus ng FLT Films International, Inc., nina Ms. Rose  Loanzon Flaminiano at Ms. Christina Kitts.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here