Nora Aunor nangungutang sa reporter?

    358
    0
    SHARE

    Talk of the town ngayon ang pangungutang diumano ng Superstar na si Nora Aunor sa isang kasamahan sa hanapbuhay habang nasa Las Vegas ito recently.

    Nakatanggap ng text message ang kasamahan sa hanapbuhay na isang lady columnist mula umano kay Guy at nanghihiram ng P10,000.

    Ilang beses niyang sinigurado kung si Ate Guy ba talaga ang ka-text niya at nasigurado raw niya sa sarili na talagang ang Superstar ang kapalitan ng mensahe dahil sa ilang mga pribadong usapan na sila lang ang nakakaalam.

    Number daw ni La Aunor sa Las Vegas ang ipinang-text sa kolumnista pero may katanungan pa rin kung siya ba talaga ang nag-text.

    Bandang huli, tila naimbiyerna pa raw ang ka-text at nagtanong kung mapapadalhan ba  siya ng P10,000 o hindi.

    Sagot naman ng reporter, “Maghahanap po.”

    Ang tanong tuloy ngayon ng iba ring kasamahan sa hanapbuhay, kung si Guy talaga iyon, bakit siya nangungutang?

    Saan daw ba napunta ang milyones na ibinayad sa kanya ng TV5  pati na ang kinita niya sa El Presidente ni Gov. ER Ejercito?

    ’Yan ang million-dollar question ngayon sa showbiz na kailangang linawin at sagutin ni Ate Guy.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here