Kung kumpirnado na’t talagang mayroong
Malaking milagrong nangyayari ngayon,
Sa ilang warehouse ng NFA sa Rehiyon
Ano’t di gawan yan ng imbestigasyon?
Nang sa gayon ay maituro kung sino
Ang nasa likuran ng sabwatang ito,
Sa pagrere-mill ng libu-libong sako
Ng bigas NFA nitong manggagantso.
Yan ay di malayong kinasasangkutan
Ng di lamang nitong NFA In-charge d’yan,
Kundi pati na rin ng sekyu at ilang
Sa mga warehouses posibleng nalagyan.
Kaya’t marapat lang na maimbestiga
Pati na ang hepe’t ibang opisyal pa,
Nitong NFA sa kung anong probinsya
Nadiskubre ang naturang anomalya.
Di ba’t panlilinlang ng maituturing
Sa taongbayan ang ito’y ipare-mill
At ya’y commercial rice nang palilitawin
Kapag ito nga po’y atin nang bibilhin?
Kasi mahirap na nga pong makilala
Na yan ay NFA lang pagkat bago na,
Hanggang sa ito mai-halo nila
Sa ibang bigas na commercial talaga.
At natural lang na iba na ang presyo
Ng naturang bigas pagdating sa puesto
Nitong kasabwat na negosyanteng tuso
Pagkat hindi na nga NFA Rice ito;
Kundi karaniwang commercial na bigas
Na mabibili sa kanto o Supermart,
Kung saan kahit na ito ay di first class
Ay posibleng maging mabili sa lahat.
Sabihin na nating yan ay binayaran
Ng NFA Dealers sa paraang ligal
Pero sa nasabing punto ay iligal
Na maituturing ang kaparaanan.
Sa dahilang yan ay di dapat galawin
At ipagbili ng mga dealers sa ‘tin
Ng higit sa presyong itinakda mandin
Ng ating gobyerno sa naturang butyl.
Ngunit bunsod nga ng kawalanghiyaan
Nitong iba na may masamang bisyo r’yan,
Ay sila mismo ang nagiging kapural
Ng di makataong gawain kung minsan.
Na kagaya nitong nangyaring milagro
Sa naka-imbak na bigas ng gobyerno,
Na panakaw nga pong hinakot diumano
At itinago sa malalaking kono.
At di lang kakaunting bigas ang posibleng
Sa araw-araw ay nawawala sa ‘tin,
Kung magpapatuloy ang ganyang gawain
Ng mga “dorobo” sa gobyerno natin.
Kaya’t marapat lang na ya’y matutukan
Ng kung sinong dapat mag-imbestiga n’yan
Nang sa gayon nga po ay maparusahan
Ang posibleng sangkot sa anomalyang yan.
At di lang suspension kundi pagkakulong
Ng habangbuhay ang dapat maging hatol,
Nang sa gayon ito ay magslbing leksyon
Sa natitira pang mga mandarambong;
(At yan ay hayaang mamatay sa gutom
Nang di gayahin ng iba pang kuratong!)
Malaking milagrong nangyayari ngayon,
Sa ilang warehouse ng NFA sa Rehiyon
Ano’t di gawan yan ng imbestigasyon?
Nang sa gayon ay maituro kung sino
Ang nasa likuran ng sabwatang ito,
Sa pagrere-mill ng libu-libong sako
Ng bigas NFA nitong manggagantso.
Yan ay di malayong kinasasangkutan
Ng di lamang nitong NFA In-charge d’yan,
Kundi pati na rin ng sekyu at ilang
Sa mga warehouses posibleng nalagyan.
Kaya’t marapat lang na maimbestiga
Pati na ang hepe’t ibang opisyal pa,
Nitong NFA sa kung anong probinsya
Nadiskubre ang naturang anomalya.
Di ba’t panlilinlang ng maituturing
Sa taongbayan ang ito’y ipare-mill
At ya’y commercial rice nang palilitawin
Kapag ito nga po’y atin nang bibilhin?
Kasi mahirap na nga pong makilala
Na yan ay NFA lang pagkat bago na,
Hanggang sa ito mai-halo nila
Sa ibang bigas na commercial talaga.
At natural lang na iba na ang presyo
Ng naturang bigas pagdating sa puesto
Nitong kasabwat na negosyanteng tuso
Pagkat hindi na nga NFA Rice ito;
Kundi karaniwang commercial na bigas
Na mabibili sa kanto o Supermart,
Kung saan kahit na ito ay di first class
Ay posibleng maging mabili sa lahat.
Sabihin na nating yan ay binayaran
Ng NFA Dealers sa paraang ligal
Pero sa nasabing punto ay iligal
Na maituturing ang kaparaanan.
Sa dahilang yan ay di dapat galawin
At ipagbili ng mga dealers sa ‘tin
Ng higit sa presyong itinakda mandin
Ng ating gobyerno sa naturang butyl.
Ngunit bunsod nga ng kawalanghiyaan
Nitong iba na may masamang bisyo r’yan,
Ay sila mismo ang nagiging kapural
Ng di makataong gawain kung minsan.
Na kagaya nitong nangyaring milagro
Sa naka-imbak na bigas ng gobyerno,
Na panakaw nga pong hinakot diumano
At itinago sa malalaking kono.
At di lang kakaunting bigas ang posibleng
Sa araw-araw ay nawawala sa ‘tin,
Kung magpapatuloy ang ganyang gawain
Ng mga “dorobo” sa gobyerno natin.
Kaya’t marapat lang na ya’y matutukan
Ng kung sinong dapat mag-imbestiga n’yan
Nang sa gayon nga po ay maparusahan
Ang posibleng sangkot sa anomalyang yan.
At di lang suspension kundi pagkakulong
Ng habangbuhay ang dapat maging hatol,
Nang sa gayon ito ay magslbing leksyon
Sa natitira pang mga mandarambong;
(At yan ay hayaang mamatay sa gutom
Nang di gayahin ng iba pang kuratong!)