Home Opinion ‘Never again to martial rule’

‘Never again to martial rule’

605
0
SHARE

KUNG magpapatuloy itong araw-araw
ay may ‘drug related’ na kasong pagpatay
sa lahat ng dako nitong kapuluan,
saan na maaring humantong ang ganyan?

Libu-libo na ang bilang ng biktima
nitong mapanganib na uri ng droga
pero ano’t yan ay tinatangkilik pa
gayong ang hantungan niyan ay iisa

Kundi nitong tiyak na pagkapahamak
kapag di naglubay ‘yan sa pagtutulak
at pag-gamit sukdang ito’y ikawasak
ng sariling buhay at mga kaanak.

At batid man nitong mas nakararami
na ang droga’y walang dulot na mabuti
kundi kasawian lang sa bandang huli,
isa sa problemang pinakamatindi;

Na kinakaharap sa kasalukuyan
ng administrasyon at ng taongbayan,
sanhi nitong di lang mga kabataan
ang ngayo’y lulong na sa gamot na bawal.

Kundi pati na ang mga may edad na
gumagamit na rin at nagtutulak na
ng shabu, ecstasy, saka marijuana,
kung kaya hirap nang makontrol talaga.

Aywan lang dito sa ubod nang gagaling
na kontra-barata sa ating butihing
Pangulo, kung bakit imbes siya’y purihin
sa kampanya nito ‘against drug trafficking’

Puro kapintasan ang ibinabato
ng mga ‘yan, lalo nitong si Antonio,
na ang akala sa sarili siguro,
siya na ang pinaka-mahusay na tao?

Pero duwag naman at bahag ang buntot
kumbaga sa Askal kapag natatakot!
(Isang buwang sa Senate nagtago, natulog
dahil sa pangambang ikulong ang hambog)

Kung hanggang kailan ni Pangulong Duterte
matagalan itong ganyang pangyayari,
ay wala ni isang maaring magsabi
kung ano ang kanyang ‘next move’ na pupuede.

(But for being our lawful sitting president
He has all the powers and the so called mandate
To declare a revolutionary government
If such a move at this point in time is the best).

Pupuede rin namang ‘military junta’
kung tunay ngang ayaw na niya talaga,
pero hangga’t maari ay ituloy niya
ang pangangalaga sa’ting Republika.

Kaysa kamay nitong walang kabusugan
sa pangungurakot muling pahawakan
ang pangangasiwa sa pamahalaan,
na napaka-tagal nang ninanakawan.

Pero kung tunay ngang suko na talaga
(si Pangulo) puera lang ‘martial law,’baka
ang ultimatum na ideklara niya,
‘Revolutionary government’ na raw ba?

Para ibaba ang mga nakapuesto
na di matapat sa katungkulan nito;
At ang iupo ay mabubuting tao
na maaasahan at hindi ‘dorobo’!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here