Negosyanteng nagnakaw ng kalabaw huli

    380
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG OLONGAPO – Huli ng mga tauhan ng Olongapo City Police ang isang negosyante matapos na marekober sa kanyang pag-iingat ang nakaw na kalabaw sa bayan ng San Marcelino, Zambales na kanya umanong pinakatay sa slaughterhouse sa lungsod na ito kamakalailan.

    Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ronald Ilas, 49, at residente  ng No. 78 Abra St., Barangay Barretto, Olongapo City.

    Batay sa salaysay sa pulisya ng biktimang si Alfonso Gongora, 56, ng Barangay San Guillermo, San Marcelino, Zambales, iniwan niyang nakatali ang kalabaw sa kanilang bakuran at ng muli nitong tingnan ay naglaho na kung kaya nagtungo ito sa slaughterhouse at doon niya nakita ang nawawalang kalabaw.

    Sa tulong ng mga tauhan ng Police Station 5, huli ang suspek na isinasakay ang kinatay na kalabaw sa kanyang Isuzu Elf (WNE-199) na nakatakdang i-deliver sa kanyang buyer.

    Ang suspek ay kaagad na itinurn-over ng Olongapo City PNP sa San Marcelino Municipal Station at ipinagharap na ng kasong “Cattle Rustling”.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here