Negosyante arestado dahil sa pagdukot sa isang babae gamit ang sasakyan

    483
    0
    SHARE
    BALIUAG, Bulacan – Arestado ang isang 32 anyos na negosyante matapos na ireklamo dahil sa pwersahang pagsasakay sa isang dalaga sa loob ng kanyang sasakyan.

    Ang suspek ay kinilalang si Dennis Manuel residente ng Barangay Calantipe, Apalit, Pampanga habang ang biktima ay isang 21anyos na itinago sa pangalang Ella, residente ng San Rafael Bulacan.

    Kwento ng biktima, nasa gilid siya ng kalsada ng mapansin niya ang sasakyan ng suspek na liligid-ligid sa kaniya.

    Nang makakuha daw ito ng tyempo ay agad na bumaba ang suspek sa sasakyan at pilit siyang isinasakay habang hawak na ang kanyang dibdib at pinaghahalikan siya habang tinutulak papasok ng sasakyan.

    Dagdag pa ng biktima na umaastang kakilala sya ng suspek dahil isinisigaw nito na umuwi na siya sa bahay at hinahanap na siya doon.

    Ito umano ang modus ng suspek na magpanggap na kakilala ang dudukutin.

    Ayon pa sa ulat, may mga residenteng nakasaksi sa insidente at tumulong sa biktima dahil nakita nila ang pagbuhat at pagpilit dito ng suspek na maisakay sa sasakyan nito.

    May baril din umano ang suspek kayat pinagumpukan ito ng mga tumulong upang hindi na makatakas at tyempong may nadaang mobile patrol ng Bulacan PNP.

    Dito na naaresto ang suspek at nakuha sa kanyang sasakyan ang baril na pinanakot niya sa biktima.

    Hindi na nagbigay ng pahayag ang suspek at sa korte na lang daw nya sasagutin ang reklamo.

    Ayon naman sa PNP, ang suspek ay nahaharap sa mga kasong forcible abduction at act of lasciviousness at nakaditene ngayon sa Baliuag PNP.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here