Home Headlines Nawawalang dalaga natagpuang patay

Nawawalang dalaga natagpuang patay

1926
0
SHARE
Ang larawan ng biktimang si Princess Diane Dayor

LUNGSOD NG MALOLOS —- Patay na nang matagpuan sa madawag na lugar ng Barangay Tikay dito ang 24-anyos na dalagang naiulat na tatlong araw na
nawawala.

Naagnas na at may bakas ng sakal sa leeg ang biktima na si Princess Diane Dayor, isang industrial engineer at residente ng Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan. Siya ay huling nakasama ng pamilya nitong ika-2 ng Hulyo habang papasok sa trabaho ay hindi na nakita at ipinanawagan ng mga kaanak sa social media.

Ayon kay Barangay Tabang kagawad Rodolfo Santos, hinanap ng kaanak, katrabaho, at maging ng pamahalaang barangay ang biktima at pinuntahan ang mga lugar na maaring pinuntahan nito.

Hanggang sa bandang ala-una ng Martes ng hapon ay naiulat ang masangsang na amoy na nagmumula sa masukal na lugar malapit sa sapa. Doon nakita ang bangkay ni Dayor na nakasubsob sa lupa may bakas ng sakal sa leeg at naagnas na.

Ayon sa ina ng biktima na si Jacquelyn Dayor, intact ang mga kasangkapan ni Princess maging ang alahas maliban sa nawawala ang celfone nito na siyang nakikita nilang dahilan na motibo sa krimen. Ang bangkay ng biktima ay inilagak na sa punerarya para sumalang sa otopsiya habang patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here