1.
Tila mayrong magaganap na mga KILOS PROTESTA
sa may bayan ng SAN SIMON lalawigan ng Pampanga
lahat ng pribadong sektor balak ay magsanib PWERSA
at ilahad sa LGU ang karaingan ng MASA
ang kanilang panawagan magkaroon ng HUSTISYA
ang bayan at simonians sa mga KAAPIHAN nila
2.
Mamamayan ng San Simon labis na ang PAGHIHIRAP
sa nakaririnding traffic at kalsadang LUBAK-LUBAK
motorista’y isa na lang ang landas na TINATAHAK
ito ay ang tila SUNGKA na lansangan sa Manabak
ito na lamang ang daan upang sila’y MAKALABAS
patungo sa ibang bayan ng mga NAGSISILUWAS
3.
PITONG BUWAN ng nagtitiis itong mga mamamayan
magmula noong PEBRERO hanggang sa kasalukuyan
dahil sa pagkakasara ng TULAY na nag-uugnay
sa TULAOC , STO . NINO at ng ilan pang barangay
naging malayo ang biyahe’t PAMASAHE ay nagmahal
kaya dumoble ang GASTOS ng obrero’t mag-aaral
4.
Ang mga pribadong sektor katulad ng MAGSASAKA
mga TSUPER , MANGGAGAWA , ESTUDYANTE at iba pa
sa SEPTIEMBRE DISIOTSO ang lahat ay nagkaisa
sama-samang IHAHAYAG mga karaingan nila
sa kanilang pakiwari’y tila hindi ALINTANA
ng konseho nitong bayan SULIRANIN sa kalsada
5.
Ang mga mag-aaral ay labis na NAGHIHIMUTOK
at ang mga manggagawang NAHUHULI sa pagpasok
sa pamasahe pa lamang DOS SIYENTOS ay nauubos
hindi pa kasali rito ang iba pa nilang GASTOS
kung FIVE HUNDRED lang arawan ang kanilang sinasahod
three hundred na matitira sa kanilang sweldo’y KAPOS
6.
MAKIISA tayong lahat sa napipintong prostesta
GISINGIN ang mga tulog sa pagkakahimbing nila
mga taong RESPONSABLE na lutasin ang problema
naroon sa munisipyo’t NAKAUPO lamang sila
tila hindi iniisip KAPAKANAN nitong masa
na HILAHOD na sa hirap dahil lamang sa kalsada
7.
Ang gagawing pagkilos ay MAPAYAPANG DEMONSTRASYON
daan upang isiwalat KAGANAPAN sa San Simon
hindi lamang ang usapin hinggil sa mga FLOOD CONTROL
ang pangunahing layunin ng ating mga CONVENOR
kundi pagtuunang pansin at mabigyan ng SULUSYUN
mga KALSADA at TULAY na pahirap sa’min ngayon