Sa loob ng halos labing walong taong
Pagkakaupo ni ngayo’y city mayor
Marino Morales (na Mabalacat town
Ang tawag d’yan dati) ay di lang pagsulong
Ng kalakalan at industrialization
Sa naturang lugar ang lalong yumabong
Kundi pati na rin ang agrikultura,
Natural resources, turismu’t iba pa;
Na kung saan itong kababayan niya
Ay nabigyan pati mapasukan nila
Sa pagdami ng Malls at saka pabrika
Sa Clark Ecozone at parteng Dau area
Kung saan kumpara sa ibang lungsod na rin
Na nasasakupan ng probinsya natin,
Ang Mabalacat ang unang nagkarun din
Ng ‘public college’ sa panahon ni Boking;
(Sumunod ay itong World Class Mayors nating
Sina Oca’t Edpam na nagpatayo rin)
Na kung saan libreng makapag-aaral
At makakuha ng kursong pang-teknikal,
Pagtuturo, at kaalamang industrial
Ang mga anak ng hirap na magulang;
Kung kaya’t malaking tulong ang naturan
Sa nakararaming kapos sa pinansyal
Na makapagtapos ang kanilang anak
Sa kolehiyo dahil libre nga ang lahat
Mula sa mababang gradu, at pagtapak
Nila ng high school d’yan sa Mabalacat;
Kaya ano pa ang hahanapi’t sukat
Kay Boking lalo na ng anak mahirap?
At dahilan na rin sa napakahusay
Na pamamalakad ni Mayor sa lugar,
Ang kaayusan sa lahat na ng bagay
At kapayapaan ay tunay din namang
Napapanatiling maayos, minimal
Ang insidente ng mga karahasan.
Sa pangkalusugan, may mga ‘health centers’
Na mapupuntahan ang mga ‘indigents’
Para magpabunot ng ngipin sa ‘dentist,’
Magpatingin sa doktor itong may sakit
At magkonsulta r’yan, lunes hanggang biernes;
(At may Ambulansya na pang-emergencies).
Liban sa Mabalacat District Hospital,
Na hindi rin naman lubhang kalayuhan;
At ang gastusin ay minimal din naman;
Pero sa ‘indigents’ at talagang walang
Mapagkunan kahit pambili man lamang
Ng gamot, sagot na rin ng city hall yan.
O ni Mayor Boking sa madaling sabi,
Na tunay naman ding maasahan pati
Ng kanyang kabalen ‘in terms of his duty
As City Dad’ pagdating sa pagsisilbi;
Kaya naman walang sinumang nagsisi
Na siya ang inihalal na Alkalde
Ng nakararami sa loob ng halos
Labing walong taon,at baka maluklok
Muli bilang ‘city mayor’ nitong lungsod
Kapag siya itong tinangkilik lubos
Ng mayoriya nitong buwan na susunod
Pagkat tunay namang sanhi rin marahil
Ng kahusayan niya at taglay na galing
Sa paghawak nito ng kanyang tungkulin,
Ang Mabalacat ay lalo pang nagninging
Ng higit sa dati’t masasabi nating
Ang lahat ng yan ay nang dahil kay Boking!