Nanay ni Sarah Geronimeo ayaw kay John Lloyd Cruz

    575
    0
    SHARE
    Diretso kung magsalita, taklesa, kumbaga ang nanay ni Sarah Geronimo. Nang tanungin kasi siya tungkol sa kung ano ang reaksyon niya tungkol dun sa napakaraming beses nang naisulat na panliligaw di umano ni John Lloyd sa kanyang anak.

    Since busy pa si Sarah sa presidential table, si Mommy Divine ang pinag-react ng press tungkol sa isyu.

    “Ha? Paano naman siya manliligaw, eh, may girlfriend siya?” sabi ni Mommy Divine.

    Pero nanligaw ba talaga o hindi?

    “Hindi ko alam, wala akong alam, linisin muna niya ang puso niya,” sabi ni Mommy Divine.

    Pero hindi ba dati, nagpaparamdam nga si Lloydie kay Sarah?

    “Kung talagang nagpaparamdam siya, nakakahiya, kasi, maawa naman siya sa babae, du’n sa girlfriend niya. May delicadeza ba tayo saka may respeto ka ba sa kapuwa mo para manligaw ka na may commitment ka sa iba? Mahiya ka, ’di ba?” mataray na pahayag ni Mommy Divine.

    Tungkol naman sa pakikipagligawan, anang ina ni Sarah, ang anak naman niya ang magde-desisyon tungkol sa bagay na ito at ang desisyon   nito ngayon ay huwag na munang magpaligaw dahil makakasagabal lang ito sa career niya.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here