SUBIC BAY FREEPORT – Isa sa dalawang Fraser dolphins na na-stranded sa Dasol, Pangasinan ang namatay, samantalang ang kasamahan nito ay nasa pangangalaga na ng Ocean Adventure dito.
Ayon kay Bianca Espinosa, bise presidente ng Geological Operation ng Ocean Adventure, ang Dolphin ay lalaki at mayroon itong dalawang metro ang haba. Ito ay dinala sa rehabilitation center at doon ito binigyan ng anti-biotic, fluids at pagkain.
Idinugtong pa ni Espinosa na nasa maayos ng kalagayan ang dolphin at kanila pa itong inoobserbahan at wala naman silang nakitang anumang sugat sa katawan nito ng ito ay masadsad sa bayan ng Dasol.
Aniya ang Dolphin na ito ay kalimitan nakikita sa karagatan ng Zambales.
Ayon naman kay Dr. Mariel Flores, beterinaryo ng Ocean Adventure, naging maganda ang resulta sa ginagawa nilang pag-aalaga sa nasabing dolphin matapos itong bigyan ng sapat na pagkain at gamot.
“Kapag malakas na ang dolphin ay kaagad na papakawalan ito sa dagat”, dugtong pa ni Flores.