‘Below the belt’ itong kumbaga sa boksing
ay ilang bagay na di dapat asalin
ni PRRD laban kay BBM,
pagkat pambabastos na maituturing.
Ang murahin siyang “Anak ng put’…na yan
‘in public’ ni Digong nang walang pitagan;
kung saan dinig ng buong sambayanan
ang lahat ng kanyang pinagsisigawan!
Sa akala ba ni Rodrigo Duterte
ya’y makabubuti para sa sarili?
Yan sa pananaw ng mas nakararami,
kay Sara wala ring mai-ambag pati.
Ano ang tunay na dahilan kung bakit
ganyan na ngayon ang kimkim nitong galit
kina Marcos gayong ang anak katiket
ni Bongbong kung kaya kasamang na’elect’?
Di ko ninanais sabihing si Digong,
ang siyang posibleng ika nga ay gumon
sa bawal na gamot kaya ang direksyon
ng pananalita, ‘nonsense’ na sa ngayon.
Kundi man lasing ay tila bukambibig
na nga ni Duterte ang ipintas pilit
sa iba ang sa ganang kanya matuwid
pagkat may sarili nga siyang daigdig.
At nakasanayan na niya marahil
itong sa kanya ay wala nang gagaling
sa panunungkulan kung kaya palaging
iyan ang sa muni ni Ka Digong natanim.
Na lubhang kakaiba na sa karaniwang
pamantayan nating kagandahang asal,
kung saan lalo ‘na in public place’ man lang
maging pino upang hindi mapintasan.
Kasi kung ano ang sa isip ng bata
natanim kumbaga ang uusbong kusa
sa pagkatao niyan hanggang sa pagtanda,
kaya iubog dapat hangga’t ito’y mura.
Ang maipapayo sa iyo, ganire
ika nga ni Impo riyan kay Duterte,
tantanan na itong manghimasok pati
sa di nito taya hangga’t maaari.
Ang dami na nga r’yang problema ng bansa
nang ito ang siyang ‘head of state’ Kaka,
ni ‘Ban Aid Solusyon’ ay di nakagawa
pumapapel ito sa hindi niya taya?
Manapa, ang aking payo kay Enrile
noong siya rin itong pintasero bale
sa mga naunang naging presidente,
ay tunay din naman na napakasimple.
“Sir, ang sabi ko: “Di kaya mainam
ang kayo’y pumirmi na lamang sa bahay
at mag-gansilyo kaysa ating pakialaman
itong sa ngayon ay nasa katungkulan?
Kasi nga kung noong ika’y nasa puesto
ay di mo nagawang kumbinsihin ito,
ngayon pa ba ninyo sila mapagbago?
(Antayin na nating bumaba si Cristo!)~