Home Opinion Nakapili ka na ba ng iyong iboboto?

Nakapili ka na ba ng iyong iboboto?

693
0
SHARE

NGAYONG kung kailan ay ilang araw na lang
ang bibilangin ay eleksyon na naman
samut-saring isyu itong  naglabasan
hinggil sa ‘Noel’ ang posibleng asahan.

Yan nang dahil na rin sa lubhang maugong
na may sumingaw na sumigaw na amoy
sa COMELEC kaya tila may peligrong
ang paparating na halalan di tuloy.

Nabisto na itong COMELEC daw yata
ay muli na namang balak ipandaya
si Robredo gaya nang noon ginawa
kay BBM, kaya ang labas talo nga.

Kung saan sa loob lang ng magdamag
nalamangan niya r’yan ng sangkatutak
na boto si Apo Lakay kung kaya nga’t
itong dinaya ay nagprotesta agad.

Aba, e bakit nga hindi maghahabol
si Lakay sa naging ‘result’ ng eleksyon,
bago gumabi ng araw ng eleksyon,
lamang n’yan kay Leni di libo, ‘but million’

kumilos ang usad pagong protesa
ni BBM laban kay (Maria) Leonora,
pero nang dahil sa planado talaga,
panalo ma’y talo ang dinaya nila.

Batid na ng lahat ang’winner’ si Bongbong
ayon na nga rin kina Atty. Glenn Chong,
at  ibang malapit kay Ferdinand Jr.,
na dinaya siya nang nagdaang eleksyon.

Pero lumabas man na panalo siya,
Inipit pati r’yan ng Korte Suprema
ang dapat ngayon ay ‘vice president’ siya
ayon sa tunay nga na naging resulta.

Kaya, hayan uli panibagong balak
na naman ng mga buwayang ‘oligarch,’
at ‘anti’ Marcos’ na ang anak ng Batac,
di na maging Pangulo ng Pilipinas?

Kung ayon sa isang komentarista riyan,
‘broadcaster’ sa TV, na sobra ang yabang,
ang bumoto aniya kay Bongbong ay hunghang,
siya ang sira-ulo, ang sagot ko riyan.

May sarili akong kandidato at siya
ang mamarkahan ko sa aking balota;
nakakahiya kung kahit na lilima
o sampung boto ay wala siyang makuha.

Partikular dito sa’min sa San Simon
ang kumandidatong Joey Montemayor
na kaibigan ko’t akingManananggol,
ang kumandidatong Pangulo sa ngayon.

Total kung ako lang at kapamilya ko
ang di bumoto kay BBM, kay Isko,
Leni, Ping Lacson at ‘Punch-Drank,’ na idolo
sa ‘boxing’ ni Kuya – lutang na kung sino;

Ang ‘winner’ kumbaga, kahit hindi siya
itong sa kaisa-isa kong balota
ang markahan ko ang kwenta nomiro niya,
tinitiyak ko na ang panalo niya!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here