Bawing-bawi sina Toni at lalo na si direk Paul dahil sa unang pagkakataon ay nag-share sila ng love story nila na matagal nilang itinago at pinanatiling “for us only.”
Actually, tinalbugan nito ang kasal nina Carmina Villarroel at Zoren Legazpi na considered the most kilig wedding for sometime.
Ginawa kasing surprise wedding ng groom (Zoren) ang kasal sa bride.
Kakutsaba niya ang kanilang kambal na sina Mavy at Casey, ganundin ng mga ninongs, ninangs, parents, sa tulong ng kaibigan niyang si Shirley Kuan.
Naging maramot daw kasi si Toni sa details ng kanilang wedding ni Paul noong June 12. Iniiwasan kasi ni Toni na pagpiyestahan ang pinaka-importanteng bahagi ng buhay nila ni direk Paul.
Binuo ni Toni sa loob ng walong mahahabang taon ang dream wedding niya. Isang hindi malilimot na sandali ng Daddy Jeric ni Paul before the wedding ang paglapit sa kanya ni Toni, sabay tanong: “Tito, can I call you, Papa?”
Nag-propose na kasi sa kanya ng kasal ang anak nitong si direk Paul na incidentally ay apo ng dating matinee idol na si Nestor de Villa (Gines Soriano in the real life).
Hindi lamang si Daddy Jeric ang naiyak kundi ang Mommy Marissa din ni Paul. After all, sino nga naman ang hindi matutuwa sa gesture ng kanilang magiging manugang?
“Now, we have a daughter,”duet ng mag-asawa. Panay lalake pala ang mga nakababatang kapatid ni direk Paul at parehong babae naman ang mga anak nina Papa Bonoy at Mommy Pinty ni Toni.
Mahahaba rin ang wedding vows, pero, higit ang kilig na dulot nang akmang paghalik ni direk Paul kay Toni right after saying “I Love You, Celestine!”, after the wedding vows. Pero, mabilis din siyang hinarang ng ministro mismo.
“Not yet!” explain nito. Kailangan pa kasing i-pronounce silang man and wife muna.
When finally, humarap sila sa isa’t isa at sabihing, “You may passionately kiss the bride now.”
Kinarga pa ni direk Paul si Toni sa matinding gigil at pananabik.