Home Opinion Nagkakaisang pagnanais na matuldukan ang armadong hidwaan

Nagkakaisang pagnanais na matuldukan ang armadong hidwaan

759
0
SHARE

BAWAT PILIPINO ay may mahalagang papel sa pagtataguyod at pagsusulong ng kapayapaan sa ating bayan!

Hindi naman lubos na magagamot ang mga problemang umuusig sa ating pambansang kapayapaan kung hindi tayo magkakaisa na magsumikap upang makamtan at maprotektahan ito.

Ito po ang ipinakita ng mga grupo ng magsasaka sa Hacienda Luisita sa Tarlac matapos nilang ipahayag ang pagtalikod sa pagbibigay suporta sa grupo ng CPP at NPA.

Humigit kumulang 120 na dating miyembro ng Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Hacienda Luisita o AMBALA ang nagkakaisang pumutol sa ugnayan ng kanilang organisasyon sa mga komunistang rebelde.

Ang AMBALA ay kilala sa pagkakaroon nito ng alyansa sa mga rebeldeng grupo na nanamantala at ginagamit ang isyu ng hindi pagkakaloob ng mga lupaing nararapat sa mga magsasaka upang makapag-recruit ng mga miyembro na magagamit sa pagaaklas laban sa pamahalaan.

Hindi ba isang paraan na naman ito ng panloloko ng CPP at NPA hindi lang sa mga magsasaka kundi sa lahat ng mga Pilipino?

***

Ayon sa dating lider ng AMBALA na si Florida Sibayan, palagi silang sumasali sa mga rally at iba pang mga aktibidad ng CPP-NPA dahil nangako ang CPP at NPA na pagkakalooban sila ng lupain pansaka ngunit malaking kaguluhan lamang ang naidulot nito sa kanilang organisasyon at kabuhayan.

Dahilan ito ng pagbuo nila ng bagong organisasyon na Malayang Magsasaka ng Hacienda Luisita o MALAYA na isang legal na grupo at malaya sa panloloko ng CPP at NPA at sumusuporta sa programa ng pamahalaan.

Ito yung desisyon ng mga magsasaka na nakakabit sa pagnanais na magkaroon ng kapayapaan sa kanilang mga komunidad.

Tiyak naman na hindi natin makakamtan ang ninanais natin na kapayapaan at kaunlaran kung hindi natin pagdedesisyunan na putulin ang panloloko ng CPP at NPA sa ating mga Pilipino.

***

Kaya rin tayo may tinatawag na whole-of-nation approach sa pagsugpo ng 50-taong armadong hidwaan na direktiba ni Pangulong Duterte dahil panahon na para humakbang tayong mga Pilipino na gamutin ang problemang ito.

Gaya ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita na nagdesisyong putulin ang pagsuporta sa CPP at NPA na sumasalamin sa kanilang kontribusyon sa pagsugpo sa laban natin kontra armadong hidwaan, magdesisyon at magsumikap din sana tayo na maipanalo at maproteksyunan ang ating kapayapaan at kaunlaran.

Ito po yung shared commitment na dapat natin pinapairal sa gitna ng mga lehitimong isyu sa ating lipunan na kailangan natin tugunan.

Hindi dapat natin iasa sa pamahalaan ang pagtataguyod ng lahat ng bagay para sa atin kundi tayo rin mismo ay may tungkulin sa pagkamit natin ng kapayapaan.

Dahil at the end of the day, hindi lang naman iilan ang makikinabang dito kundi tayong lahat na mga Pilipino!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here