OLONGAPO CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos nitong alukin ng libreng marijuana ang isang barangay tanod sa West Bajc-Bajac sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alberto Bamba, 37.
Naglalakad umano ang tanod na si Samuel Sumayao patungo sa barangay hall para mag-duty nang alukin ito ng suspek ng marijuana ng libre.
Dahil dito, nagpakilalang barangay tanod si Sumayao at kaagad nitong inaresto si Bamba at dinala sa himpilan ng pulisya.
Ang suspek ay ipinagharap na sa kasong paglabag sa RA 9165.