LUMUTANG muli si JM de Guzman matapos ang hiwalayan nila ng girlfriend na si Jessy Mendiola at iba pang pangit na tsismis sa kanya. Fresh at new look ang dating ng aktor sa launch ng bagong album na Tensionado under Ivory Records na ginanap sa Trinoma Activity Center last Saturday.
In fairness, dinagsa naman ng fans ni JM ang bago niyang handog bilang singer. Ang mga kantang nakapaloob sa second album niya ay koleksyon ng kanyang paboritong kanta gaya ng Have I Told You Lately ni Rod Stewart, Lost In Space ng Lighthouse Family, Don’t Give Up On Us ni David Soul at Tensionado ng Soapdish.
Ang carrier ng album ay ang version ni JM ng hit song ng Itchyworms na Akin Ka Na Lang kung saan kasama niya ang singer na si Jaq Dionisio ng Kiss Jane. Meron din silang duet ng Acoustic Diva na si Suy sa special na Terrified.
Sa pasasalamat ni JM na nakapaloob sa album, pinasalamatan niyang lahat ang pamilya, kaibigan, fans at taga-ABS CBN na malaki ang naging tulong upang sumigla ang kanyang acting career. Hindi nga lang namin nabasa ang pangalan ni Jessy, huh!
Eh, sa publicity na ipinamigay sa album launch, quoted pa naman si JM sa feeling niya sa pag-ibig kaugnay ng original compositions niyang Warrior at Stupidest. "Please define love for me. It’s the only thing I just can’t live without."
Anyway, nagkaroon man ng diskaril sa pananagumpay niya bilang aktor, magtagumpay nawa si JM bilang singer.