LIMAY, Bataan: Sari-saring gulay ang mabibili sa murang halaga sa bayang ito kung saan matatagpuan ang nag-iisang Kadiwa store sa lalawigan.
Ang kamatis, halimbawa, isang bundle na may 10 kilo ay makukuha sa P100 lamang na iniaalok bilang suporta sa mga magsasaka.
Mayroong bawang, luya, sibuyas, mani, patatas, kamote, singkamas, pipino, talong, celery, buko at marami pang iba.
May bigas din na halagang P29, P35 at P42 ang bawat kilo ngunit pansamantlang naubusan ng stock sa P29.
Sinabi ni Abner Rempillo, isa sa mga tumutulong sa Kadiwa store, na karamihan ng mga gulay nila ay galing sa mga magsasaka ng Limay. Ibinabagsak daw sa kanila ng mga magsasaka na agad binabayaran ng kanilang manager. (30)