Home Headlines Motorsiklo nahulog sa bangin, sakay na mag-live-in-partner sugatan

Motorsiklo nahulog sa bangin, sakay na mag-live-in-partner sugatan

304
0
SHARE

ORANI, Bataan: Sugatan ang maglive-in-partner nang bumangga sa steel road railing at mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang motorsiklo habang bumubulusok sa pakurbadang bahagi ng  kalsada sa Barangay Tala sa bayang ito  nitong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni Captain Harold Genetiano, Orani police chief, na ang may dala ng motorsiklo ay ang rider na 33 taong gulang samantalang kaangkas niya ang kanyang  live-in-partner na pareho niyang taga-Angeles City, Pampanga.

Batay sa imbestigasyon, tumatakbong pababa ang motorsiklo nang diumano’y mawalan ito ng preno at mawalan ng control ang rider, dahilan upang bumangga ito sa metal barrier at mahulog sa bangin.

Agad namang sumaklolo ang mga kasapi ng pulisya ng Orani, municipal disaster risk reduction management office, barangay Tala at iba pang rescue agencies.

Agad isinugod sa Orani District Hospital ang dalawang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Orani municipal police station. 

Noong Nobyembre 2022, isang bus na sakay ang mga pauwi nang mga guro sa Quezon City ang nahulog din sa bangin sa lugar na nabanggit kung saan  isa ang namatay at ilan ang nasugatan.

Pinag-iingat ng pulisya at local officials ang mga bisitang pumupunta sa mga magagandang resort at tanawin sa Tala sa kanilang pagbibiyahe. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here