Home Headlines Motorcade ng Sto. Niño sa Samal

Motorcade ng Sto. Niño sa Samal

895
0
SHARE

Kuha ni Ernie Esconde


 

SAMAL, Bataan — Isang mahabang motorcade ng mga imahe ng Sto. Niño ang ginanap ngayong Linggo ng hapon na umikot sa kalakhang-bahagi ng kabayanan sa bayang ito.

Ito’y bilang paggunita sa Kapistahan ng Mahal na Poong Sto. Niño ng mga kasapi ng Iglesia Filipina Independiente o Aglipay Church.

Makukulay at sari-sari ang laki ng mga imahe na bitbit ng mga backride sa motorsiklo, sakay ng tricycle at tri-bike na napapalamutian ng mga bulaklak at mga lobo.

Iba-ibang Imahe rin ang lulan ng kolong-kolong at pick-up na hitik sa naggagandahang mga bulaklak.

Maraming bike enthusiasts ang lumahok din sa motorcade.

Bago pa ang araw ng kapistahan, iba’t ibang imahe ng Sto. Niño ang inilagak sa Parokya ng Sta. Catalina ng IFI sa Samal.

Isang Banal na Misa ang pinangunahan ni Fr. Roderick Miranda bago ginanap ang motorcade.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here