Kinilala ni Inspector Jonathan Bardaje, hepe ng San Antonio police, ang biktimang si Rubylyn Jardin, 46, kabiyak ni Barangay Angeles Chairman Marlon Jardin.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ni barangay chairman sa harapan ng kanilang gate ang isang “aluminum thermos-like container” at nang ito ay kanyang alugin ay narinig niya ito na may mga coins sa loob kung kaya sinikap niya itong buksan pero hindi niya nagawa dahil sa pagmamadaling umatend ng flag raising ceremony sa San Antonio municipal hall kung kaya iniwan ito sa terrace ng kanilang tindahan.
Nang makita ng misis ni kapitan ang container sa pagaakalang ito ay isang alkansiya pilit nitong binuksan habang siya ay nakaupo sa Cleopatra wooden chair ng bigla na lamang itong sumabog.
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ito ay isang “pipe bomb” na ginamitan ng 9-volts na baterya at naglalaman ng mga one peso coins na nagsilbing shrapnel.
Ayon sa pulisya “bomb expert” ang may gawa nito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at ang motibo na anila ay may kinalaman sa negosyo.