Mirriam Quiambao pinupuntirya ni
    Willie Revillame?

    425
    0
    SHARE
    Naging usapin ‘yung pag-guest ni Mirriam Quiambao sa Wowowee bilang judge sa Miss Fitrum noong isang araw. Nang dahil sa guesting na ito, nabigyang-kahulugan tuloy na may simpatya si Willie kay Mirriam. Na baka nga raw gawin itong regular sa naturang noontime show na pamalit sa nawalang si Lara Quigaman nang isama nito ang boyfriend sa isang conert sa USA. Bawal nga kasi sa mga artist ng noontime show na magkaray ng boyfriend sa mga shows nila kahit na saan man.

    Anyway, yung iba pinakakahulugan na gusto ni Willie si Miriam na ligawan. Ito raw ang dahilan kung bakit right after the shgow, niregaluhan ng mamahaling branded bag ang dating beauty queen.  “Nagpapasalamat ako sa binigay niya, mamahalin talaga, pero sa akin, walang kahulugan, kahit si Ms. Gloria Diaz, binigyan din yata niya ng bag,” reaction naman ni Mirriam when confronted about it.

    “Kung kukunin naman niya akong regular sa Wowowee, aba, welcome ‘yun sa akin, I need to work, kaya sige, gooooo! At maraming salamat sa big break na ibibigay niya sa akin,” nakatawang sabi pa ni Mirriam sa thanksgiving party ng mga Gutierrez para sa press noong isang araw. Isa na nga kasi si Mirriam sa mga talents ng Royal Era na pinamumunan ni Annabelle Rama.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here