Miguel Aguila ang babaing Lea Salonga

    397
    0
    SHARE

    He is another wonder boy sa local entertainment scene. He started very young bilang professional entertainer. And for this, gaya ni Lea Salonga, naging hall of famer siya sa Aliw Awards bilang Child Performer. Siya lang  at si Lea Salonga ang may record na ganito.

    Bukod pa riyan, ‘yung maraming awards na natanggap niya sa iba’t ibang award giving bodies.
    Miguel Aguila is already fourteen years old now. Halos binata na siya sa kanyang tindig. When we talked to his father, Nonoy Aguila na matagal na naming kaibigan, we came to know na intelleigent child si Miguel. Marami rin daw itong awards sa school, sa kabila ng katotohanang nasa entertainment scene ito. Kumbaga, nagagawa raw ng bata na maging excellent both academically at sa profession nito bilang artista.

    “Kaya naman, okey lang sa amin ng misis ko, bigay todo kami sa pagsusporta sa hilig niya. Noong una, naisip naming na baka lumipas din ‘yung pagkahilig niya pero no way, he excels at diyan talaga ako hanga sa anak ko,” sabi pa ni Mr. Nonoy.

    Babaing Lea Salonga nga ang tawag naming kay Miguel. Like Lea, achiever din si Miguel at hindi malayong balang–araw, maging internationally renown din ang batang ito.

    For the time being, kailangan lang ng masa ng kamalayan kay Miguel upang siya ay sambahin. Kailangan lang niyang magpakamasa nang kaunti para maabot ito.

    Pero gaya rin kaya ni Lea ang attitude ni Miguel? We remember Lea saying na hindi naman daw siya dapat mag-stoop down sa level ng masa. Dapat daw, ang masa ang umakyat sa level niya para siya ma-appreciate nito.

    Makes sense, hindi po ba?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here