Home Headlines Mga pet lovers dinalaw ang puntod ng mga aso at pusa sa...

Mga pet lovers dinalaw ang puntod ng mga aso at pusa sa isang dog cemetery sa Tarlac ngayong Undas

2045
0
SHARE

(Nagtulos ang Animal Kingdom Foundation ng mga kandila sa puntod ng mga aso at pusang nakalibing sa dog cemetery sa loob ng kanilang compound. Maraming pet advocates ang nagtutungo dito kapag Undas para mag-alay din ng kandila at gunitain ang masasayang ala-ala ng kanilang mga alaga. Isa sa mga nakalibing dito ay ang asong si Buboy na tinaguriang Pinoy version ng asong si Hatchiko ng Japan na kapwa nagpakita ng kanilang katapan sa kanilang among yumao. (Rommel Ramos))

CAPAS, Tarlac – Hindi lamang ang mga tao na yumao na mga mahal nila sa buhay ang dinalaw ang mga puntod ngayong araw ng Undas.

Kundi maging ang libingan ng mga aso at pusa ay dinalaw ng mga pet advocates sa dog cemetery ng Animal Kingdom Foundation Compound sa barangay Cubcob.

Ayon kay Atty. Heide Caguiwa ng Animal Kingdom Foundation, talagang may mga pet lovers na sadya ding dumadalaw sa libingan na ito kapag Undas.

Sa ngayon ay nasa 3,000 mga pusa at karamiahan ay mga aso ang nakalibing sa kanilang dog cemetery.

Inaalala din daw nila ito kapag araw ng Undas gaya ng mga taong yumao upang alalahanin ang kanilang mga masasayang ala-ala noong ang mga ito ay nabubuhay pa.

Ayon nga aniya sa kasabihan na All Dogs go to Heaven.

Nagtulos din sila ng kandila para sa mga nakalibing dito ngayong araw ng Undas.

May mga pangalan din silang inilagay sa mga puntod ng mga aso at pusa upang kasama na daw na mailibing dito ang mga negative vibes o mga neglection na nararanasan ng ilang mga hayop gaya ng pagmamalupit at pagmamaltrato.

Nagtanim din sila ng mga puno at mga halaman sa loob ng dog cemetery ng sa gayon ay kapag umusbong ito ay maging simbulo naman ng magandang pagtatrato sa mga alagang mga hayop.

Sa dog cemetery din na ito inillibing si Buboy ang itinuturing na Pinoy version ng asong si Hatchiko ng Japan.

Ang asong si Buboy ay pinag-usapan sa social media matapos na ipakita ang kanyang katapatan at labis na kalungkutan ng mamatay ang among guro na si Carmelito Marcelo na namatay sa Mabalacat City, Pampanga.

Mula ng mamatay ang among guro ay araw-araw itong hinihintay ni Buboy na pumasok sa paaralan hanggang dalhin ito sa burol ni Marcelo.

Dahil sa naipamalas ni Buboy na katapatan sa kanyang amo ay iginawa ito ng rebulto ng Theme Builders Philippine, Inc. na itinayo naman ng Animal Kingdom Foundation sa mismong pinaglibingan nito.

Ang estatwa ay kahawig na kahawig ng asong si Buboy na may taas na 18inches at may nakaukit na: Buboy Ang matapat at mabait inspirasyon ng mga Pilipinong Mapagmahal sa Hayop.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here