Mga lider di magkasundo sa paglikha ng bagong distrito

    404
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS—Hati pa rin ang pananaw ng mga halal na opisyal sa Bulacan hinggil sa panukalang paglikha ng bagong distrito sa lalawigan.

    Kaugnay nito, tiniyak ang mga muling nahalal na kongresista na sina Kint. Joselito Mendoza at Kint. Linabelle Villarica na muli nilang ihahain sa ika-16 na Kongreso ang panukalang batas na naglalayong malikha ang ika-limang distrito sa lalawigan.

    Ang nasabing panukala ay tinutulan nina Gob. Wlhelmino Alvarado at Kint. Pedro Pancho, ngunit sa huling panayam sa gobernador, nilinaw niya na kailangang pagplanuhan ang paglikha mga bagoing distrito sa lalawigan.

    Binigyang diin pa niya na sa kabuuan, hindi siya tutol sa paglikha ng bagong distrito, ngunit laban siya rito kung ang layunin sa paglikha ay personal.

    Sa panayam ng kay Mendoza,binigyang diin niya na ang populasyon ng Bulacan ay umaabot na sa tatlong milyon.

    “Halos tatlong milyon na ang populasyon natin at kung tutuusin ay pwede na tayong magkaroon ng pito hanggang walong distrito, pero sa kasalukuyan ay apat lang ang congressional district natin,” ani Mendoza.

    Sa pahayag ni Mendoza,ang kanyang tinutukoy ay ang unang distrito na binubuo ng mga bayan ng Hagonoy, Calumpit, Paombong, Pulilan, Bulacan, at Lungsod ng Malolos; ikalawang distrito na binubuo ng mga bayan ng Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Plaridel, Baliwag, Bustos at Pandi;ikatlong distrito na kinabibilangan ng mga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Angat, Norzagaray, at Donya Remedios Trinidad; at ika-apat na distrito na kinabibilangan ng lungsod ng Meycauayan, at mga bayan ng Sta.Maria, Marilao at Obando.

    Ang Lungsod ng San Jose Del Monte ay dating bahagi ng ika-apat na distrito ngunit inihiwalay na matapos mapagtibay ang paglikha sa lone district ng nasabing lungsod.

    Iginiit pa ni Mendoza ang ilan sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng dagdag na distrito sa Bulacan kabilang na ang pagkakaroon ng dagdag na kinatawang Bulakenyo sa Kongreso na nangangahulugan ng dagdag na tinig ng Bulakenyo, at dagdag na pondo mula sa priority development assistance fund (PDAF).

    Sa pagsisimula ng ika-15 Kongreso noong 2010,magkasamang inihain nina Mendoza at Villarica sa Kongreso ang paglikha ng ikalimang distrito sa Bulacan.

    Ang ikalimang distrito ay bubuuin ng mga mga bayan ng Norzagaray mula sa ikatlong distrito at bayan ng Sta. Maria mula sa ika-apat na distrito.

    Ito ay nangangahulugan na ang panukalang ikalimang distrito ay uukitin mula sa ikatlo at ika-apat na distrito.

    Ang kanilang panukala ay tinutulan ni Gob. Alvarado at Kinatawan Marivic Alvarado at Pedro Pancho.

    “I don’t know his reasons, but as far as I’m concerned, it met all the requirements,” sabi ni Mendoza.

    Inayunan din ito ni Villarica na nagsabing, “basta inoppose lang, pero hindi nilinaw ni Governor kung ano ang specific objections niya.”

    Bilang kinatawan ng ikatlong distrito,sinabi ni Mendoza na ang kabuuang lupaing nasasakop ng kanyang distrito ay halos kasing laki ng kalahati ng Bulacan.

    “Napakalaki ng land area ng distrito ko kaya kinakapos ako ng project na ini-implememnt, pero kung mas maliit ang distrito, mas maraming projects,” ayon kay Mendoza.

    Kinatigan din ito ni Villarica maging ang pahayag ni Mendoza na nakatupad sa pamanatayan ang paglikha sa isang distrito ang kanilang panukala.

    Ayon kay Villarica, “isa lang naman ang requirement, kailangan lang ay may population na at least 250,000.”

    Sa panayam kay Alvarado, nilinaw ng punong lalawigan na ang reapportionment o pagdadagdag ng congressional district saBulacan at dapat pagplanuhang mabuti.

    “Kailangang upuan naming lahat yan at pag-usapan,kasi pang dalawa lang ang mag-usap ay baka pumasok na ang personal interest, eh ilegal na yan, gerrymandering na yan,” sabi ng gobernador.

    Ipinaliwanag niya na bukod samga kongresista, at gobernandor, kailangan ding konsultahin sa pagbuo ng plano ang bawat alkalde sa lalawigan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here