Mga Kapamilya naglilipatan sa Kapuso network

    87
    0
    SHARE
    Matapos ang ilang pagdi-dilly dally sa isyung pag-alis ni Claudine Baretto sa ABS-CBN, finally, naging totohanan na ito.

    Noon pa naman kasing isang taon, buhay na buhay na’ng isyu pero sadyang pinalabo ito ng mga istorya, kasi nga, niligawan pang muli ng Dos si Claudine at napapayag naman siya.

    Pero ngayon nga, wala nang nagawa’ng Kapamilya network dahil ayan, wala na sa kanila si Claudine Baretto.

    Pumirma na nga ng kontrata sa GMA Network si Claudine Barretto noong Miyerkules. Sinamahan siya ng kanyang mga magulang at manager na si Veronique del Rosario-Corpus.

    Isang TV show na mala-Maalaala Mo Kaya ang format ng isa sa mga show na gagawin ni Claudine sa GMA-7 sa January next year at may show pa sila ng mister niyang si Raymart Santiago.

    Sabi ni Claudine sa pagiging Kapuso niya: “Naninibago ako, pero una sa nararamdaman ko ay excitement. Excited ako dahil magagandang project ang nakahilera para sa akin at makakasama ko pa ang asawa ko.”

    Bukod kay Claudine, dalawa pang Kapamilya ang nag-ober da bakod sa GMA-7. Ito’y sina Bayani Agbayani at ang winner ng Be Bench model search ng ABS CBN noong 2007 na si Carlo Guevarra.

    Ayon kay Carlo, nagpaalam naman siya sa Star Magic at maayos naman ang usapan nila. Ganoon din ang drama ni Bayani, nagpaalam daw siya at nagpasalamat sa executives na nagbigay ng magandang trabaho sa kanya sa ABS. Malaki ang nagawa sa kanya ng estasyon pero kailangan niyang maghanapbuhay para sa pamilya niya. Si Noel Ferrer daw ang nag-aasikaso ng career niya pero nandiyan pa rin si Tita A (Angge).

    “Galing din naman ako sa GMA. Balik bahay lang ako. Roon ako nagsimula, siguro roon na rin siguro ako matatapos at tatanda.”  

    Isang sitcom kasama sina Manny Pacquiao at Mommy Dionisia ang nakatakda niyang gawin.
    Isa pang young actor na sumikat din sa ABS-CBN ang nagbabalak mag-ober da bakod sa Enero.


    SHARE
    Previous articleDo a Quickie
    Next articleArroyo files COC

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here