Mga kaaway ni Annabelle Rama kaibigan na ni Ruffa

    116
    0
    SHARE

    Ano nga ba ang naging reaction ni Ruffa Gutierrez nang i-offer sa kanya ni Mother Lily ang Mother’s Day presentation, the horror comedy “The Mommy Returns?”

    Alam naman ng lahat na nagging magkaaway sina Annabelle Rama at Pokwang dahil sa mga pag-impersonate ni Pokwang na tila iniinsulto ang pagka-Bisaya ng nanay ni Ruffa.

    Ayon sa kanya, this is now water under the bridge and Annabelle is even amused when she sees Pokwang impersonating her on the set of “The Mommy Returns.”

    “Okay na sila ni Mommy and ako mismo, natutuwang kasama si Pokwang sa set kasi pinatatawa niya kami ng cast in between takes.

    Kapag ginagaya niya si Mommy, hindi lang ako ang aliw na aliw kundi pati si Mommy rin, talagang nag-eenjoy sa kanya. If you won’t look at her and just listen to her talk, aakalain mo talaga si Mommy ang nagsasalita.

    But although masaya kami off cam, on cam, magkaaway kami rito ni Pokwang kahit na nga multo pa ang role niya rito.

    Kasi, kahit patay na siya, nakikialam pa rin siya sa buhay namin ng former husband niyang si Gabby Concepcion at ang mga anak nila. Talakan talaga kami sa eksena at di ako natatakot sa multo.”

    Aside from Pokwang, another actress in the cast also had a tiff with Annabelle, Gloria Diaz. “Pero tapos na rin yun, naayos na namin ang lahat. It’s just a simple case of misunderstanding.

    Alam ni Mommy that I enjoy working with Tita Gloria kasi she’s full of words of wisdom about love, life and men. Never ending ang chikahan namin sa set.”

    Ikinatutwa ni Ruffa na muli silang nagkasama ni Gabby Concepcion. “He’s my leading man in the only movie I did directed by the great Lino Brocka, ‘Makiusap Ka sa Diyos’, for which I got nominated as best actress.

    I played a good girl who wants to be a nun at siya yung devil who tempted me.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here