Mga hukom, empleyado lumahok sa ‘black protest’

    465
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nakiisa ang mga empleyado at mga hukom ng Regional Trial Court (RTC) sa lungsod na ito kahapon sa pagsasagawa ng black protest kaugnay ng planong pagtapyas ng Malacañang sa kanilang pondo.

    Kahit umuulan ay nagtipon-tipon ang mga empleyado at mga hukom na nakasuot ng kulay itim na damit at nagsagawa ng kanilang flag ceremony.

    Dito ay isiniwalat nila ang panawagan kay Pangulong Benigno Aquino III  na huwag tapyasan ang kanilang pondo.

    Ayon kay RTC 3 Executive Judge Reanto Francisco, umaasa silang pagbibigyan sila ni PNoy sa kanilang
    panawagan.

    Binigyang diin niya na sa halip sanang bawasan ng Pangulo ang kanilang pondo ay dapat pang dagdagan ito.

    Hinggil sa daloy ng pagdinig sa mga kaso sa RTC, sinabi ni Francisco na hindi ito maaapektuhan ng kanilang protesta.

    Aniya, ito ay maliwanag na pagpapahayag lamang ng kanilang saloobin sa panawagang pigilan ang pagtapyas sa kanilang budget.

    Ang nasabing black protest ay magtutuloy-tuloy hanggang anila’y dinggin ng Pangulo ang kanilang panawagan.
    Silay magsusuot ng itim na damit kada Lunes bilang bahagi ng black protest.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here