Mga binhing palay mula Nueva Ecija dumating na

    315
    0
    SHARE

    SAMAL, Bataan – Matapos ang ilang araw na paghihintay, dumating na rin ang mga binhing palay o ang mga tinatawag na certified palay seeds na binili pa sa Nueva Ecjia dahil sa malaking kakulangan ng ani sa Bataan.

    Ang mga palay ay dumaan sa laboratory test ng Philrice sa nabanggit ding bayan. Ang paggamit ng certified palay seeds, batay sa pagsusuri, ay nagdaragdag ng aning 10 -15 porsiyento kumpara sa paggamit ng karaniwang binhi.

    Ang halaga ng mga binhi ay P1,200 bawat isang sako na may timbang na 40 kilos. Inako ng pamahalaan ang P600 kaya ang bayad ng mga magsasaka ay P600 plus P50 bilang bayad sa transportasyon.

    Pinangasiwaan ni Mayor Gene dela Fuente at Municipal Agriculturist Nora Medina ang distribusyon ng mga binhi sa Samal. Bataan.

    Sinalanta ng mga bagyong nagdaan ang mga palayan sa Bataan kabilang na yaong mga tanim ng mga seed growers. Tinatayang mula 50 hanggang 70% ang nawala sa produksyon ng mga magsasaka.

    Ang hiling ng maraming magsasaka ay hindi lamang kalahating subsidy. “Sana ilibre na binhi at pataba dahil walang mangyayari sa amin,” daing ng magsasakang si Norberto Garcia ng barangay ibaba, Samal.

    Aniya, kitang-kita ang pagbagsak ng ani sa mga ricemill dahil sa kakaunti ang laman ng mga ito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here