Mga bayani, malapit sa puso ni Oca

    341
    0
    SHARE

    Madalang lamang ang kagaya ni Oca
    Sa nakararaming opisyal ng bansa
    Kung ang punto ng ating magiging paksa
    Ay hinggil sa araw riyan ng pag-gunita

    Sa anumang mahalagang kaganapan,
    Na naging bahagi na ng kasaysayan,
    Gaya halimbawa ng nakasanayan
    Niyang pagbigay ng papuri’t parangal

    Sa mga bayani na nakipaglaban
    Para sa kalayaan ng Inang Bayan,
    Sa paraang naiiba at may saysay
    Kaysa karaniwang ating nakagisnan.

    Sa alin mang lugar kapag ginunita
    Ang kapanganakan o pagpanaw kaya
    Ng isang bayani, pagkat kakaiba nga
    Sa puntong may puso ang kay Mayor Oca.

    Pagkat hindi simpleng pag-gunita lamang
    Sa naging papel ng kinauukulan,
    Ang ipinupunla sa ‘ting kaisipan
    Ng mga mensahe niyang binibitiwan.

    Kundi pati na ang aral na iniwan
    Ng bayaning nagbuwis ng kanyang buhay,
    Mabawi lang n’yan ang mithing kalayaan
    Mula sa kung sinumang banyagang kamay.

    At di lamang mga bayaning pambansa
    Ang may pitak sa puso ni Mayor Oca
    Sa anumang uri riyan ng pag-gunita,
    Kundi pati lokal na naging dakila

    Na kagaya nitong mga Abad Santos,
    Nicolasa Dayrit, Hizon at Hilarios;
    At iba pang kahit hindi Fernandinos
    Ay kasamang pinarangalang lubos.

    At kung saan nitong a disinuebe lang
    Ng buwan ng Junyo ay si Dr. Rizal
    Ang binigyan ng marapat na parangal
    Ni Mayor Rodriguez sa petsang naturan

    Bilang pag-gunita sa pang-isang daan
    At limampung taong araw ng pagsilang
    Ng bayaning nagbuwis ng sariling buhay
    Alang-alang sa kapakanan ng bayan.

    At di karaniwan o simpleng okasyon
    Ang ini-alay ng World Class City Mayor
    Para kay Dr. Rizal nang araw na ‘yon
    Kundi ng isang magarbong selebrasyon;

    At imbitado ang lahat na ng sektor
    Upang daluhan ang naturang okasyon
    Kaya halos di mahulugang karayom
    Ang ‘mini convention hall’ nitong ‘Heroes Hall’

    Sa dami ng taong noon ay dumalo,
    Na talaga namang ang iba siguro
    Ay nagsi-upo na lang sa ‘flooring’ mismo
    Hangang sa matapos ang programa rito.

    At higit sa lahat, palibhasa’y bukal
    Sa puso ni Mayor ang pagbibigay niyan 
    Ng papuri at karampatang parangal
    Sa ganyang okasyon kahit kanino man

    Ay talaga namang buhos ang suporta
    Kay Oca Rodriguez ng halos lahat na,
    Kung kaya posibleng anumang adyenda
    Ng butihing Mayor ay tagumpay tuwina!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here