Ang isyu hinggil sa panukalang batas
Na maarmasan ang lokal na opisyals,
Partikular ang mga punong barangays,
Ay di simpleng bagay na kaagad-agad
Marapat mabigyan ng pahintulot upang
Sila’y magkabaril nang di magdaraan
Sa isang public consultation na kailangang
Ang boses ng masa’y ating mapakinggan.
Bago isulong ang panukala hinggil
Sa anila ay kailangang magkabaril
Ang mga incumbent na barangay captain
Bilang proteksyon sa kanilang tungkulin!
Pagkat kagaya nga ng ating nasabi,
Ya’y di simpleng bagay na basta pupuede;
Nang di muna natin titingnang mabuti
Kung anong epekto nito sa marami!
Kasi kagaya ng naging pangungusap
Ni Balibago barangay captain Mamac,
Ang baril ay di po epektibong sangkap
Ng isang opisyal upang maging ligtas
Sa anumang banta laban sa Kapitan
Kundi ang sa kanya’y mga nagmamahal
Na nasasakupan laban sa anumang
Posibleng banta r’yan ng kapahamakan.
(Pagkat saan ka mang lupalop sumuling
Ay tiyakang tayo’y pilit hahanapin
Ng sinumang taong may tangka sa atin
Ng di mabuti o inargabya natin;
At kahit ‘criminal infested’ ang lugar
Ay tiyakang di ka gagalawin po n’yan;
Kasi ang respeto ng nasasakupan
Ang siyang sa tulad mong matino iiral!)
Kaya kung kami ang siyang tatanungin
Tungkol sa puntong yan ay wala po kaming
Masasabi kundi pag-aralan nating
Mabuti ang panukala bago gawin;
Ang kung anong dapat sa isyung nasabi
Upang maiwasan ang ilang posible
Nating kaharapin sa mga salbahe
At iresponsableng lider, bandang huli!
Di lahat ng ating opisyal, kabayan
Masasabi nating matino’t mahusay;
Pagkat maaaring may mangilan-ilan
Na ika nga ay di mahapawang gatang!
‘Yung maka-singhot lang ng tansan ng alak
Ay nalalasing na at di na maawat
Sa paghahamon n’yan ng away sa lahat
Ng makasalubong na bitbit ang itak!
Eh kung baril pa ang hawakan ng ganyan,
Aba’y di lalo nang nagtapang-tapangan?
Kaya’t peligrosong ang katulad po n’yan,
Mabigyan ng armas sa puntong naturan.
Sa puntong naturan, mas makabubuting
Gawing ‘selective’ ang pag-isyu po natin
Ng armas lalo na sa kilala manding
Mga Kapitan diyan na tipong kalasing!
(May karugtong)
Na maarmasan ang lokal na opisyals,
Partikular ang mga punong barangays,
Ay di simpleng bagay na kaagad-agad
Marapat mabigyan ng pahintulot upang
Sila’y magkabaril nang di magdaraan
Sa isang public consultation na kailangang
Ang boses ng masa’y ating mapakinggan.
Bago isulong ang panukala hinggil
Sa anila ay kailangang magkabaril
Ang mga incumbent na barangay captain
Bilang proteksyon sa kanilang tungkulin!
Pagkat kagaya nga ng ating nasabi,
Ya’y di simpleng bagay na basta pupuede;
Nang di muna natin titingnang mabuti
Kung anong epekto nito sa marami!
Kasi kagaya ng naging pangungusap
Ni Balibago barangay captain Mamac,
Ang baril ay di po epektibong sangkap
Ng isang opisyal upang maging ligtas
Sa anumang banta laban sa Kapitan
Kundi ang sa kanya’y mga nagmamahal
Na nasasakupan laban sa anumang
Posibleng banta r’yan ng kapahamakan.
(Pagkat saan ka mang lupalop sumuling
Ay tiyakang tayo’y pilit hahanapin
Ng sinumang taong may tangka sa atin
Ng di mabuti o inargabya natin;
At kahit ‘criminal infested’ ang lugar
Ay tiyakang di ka gagalawin po n’yan;
Kasi ang respeto ng nasasakupan
Ang siyang sa tulad mong matino iiral!)
Kaya kung kami ang siyang tatanungin
Tungkol sa puntong yan ay wala po kaming
Masasabi kundi pag-aralan nating
Mabuti ang panukala bago gawin;
Ang kung anong dapat sa isyung nasabi
Upang maiwasan ang ilang posible
Nating kaharapin sa mga salbahe
At iresponsableng lider, bandang huli!
Di lahat ng ating opisyal, kabayan
Masasabi nating matino’t mahusay;
Pagkat maaaring may mangilan-ilan
Na ika nga ay di mahapawang gatang!
‘Yung maka-singhot lang ng tansan ng alak
Ay nalalasing na at di na maawat
Sa paghahamon n’yan ng away sa lahat
Ng makasalubong na bitbit ang itak!
Eh kung baril pa ang hawakan ng ganyan,
Aba’y di lalo nang nagtapang-tapangan?
Kaya’t peligrosong ang katulad po n’yan,
Mabigyan ng armas sa puntong naturan.
Sa puntong naturan, mas makabubuting
Gawing ‘selective’ ang pag-isyu po natin
Ng armas lalo na sa kilala manding
Mga Kapitan diyan na tipong kalasing!
(May karugtong)