Mga barako nasarapan sa gay lovemaking scenes

    868
    0
    SHARE

    Usap-usapan ang matinding love scenes nina Jake Cuenca at Joem Bascon sa pelikulang Lihis na idinirehe ni Joel Lamangan at isinulat ni Ricardo Lee para sa All Masters Series Film Festival ng Sineng Pambansa.

    Bagamat marami ang kumukuwestiyon dahil bakit kinailangan pang gumawa raw ng ganitong klase ng pelikula sina Jake at Joem gayung kapwa naman sila may pangalan na sa showbiz.

    Sinabi ni Joem na, “maganda ang pelikulang ito at nais kong maibahagi ang mga nangyayari o tunay na nagaganap sa mga 3rd sex. May mensahe ito sa atin, isang magandang mensahe na kapag napanood ninyo ay maiintindihan n’yo.”

    Matagal na pala itong naisulat ito ni Ricky Lee at nalaman naming nauna pa ito sa Hollywood film na Brokeback Mountain.Wala lamang naglakas-loob noon na isapelikula ito. Kaya naman nang malaman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at BG Productions International ni Ms. Baby Go ang istoryang ito, kaagad nilang ginawa ang pelikula.

    “Noong 2002 naikuwento ni Joel sa akin ang tungkol sa kakilala niyang mga NPA na nagkaroon ng affair sa kampo maski bawal. Natapos ko ang script ng 2003 bago pa man nagawa ang pelikulang Brokeback Mountain (2005).

    Pero ni-reject ng mga kabi-kabilang producers,” giit ni Lee bilang paglilinaw na hindi kinopya sa Brokeback Mountain at hindi rin nakikisakay sa gay serye ng GMA-7.

    Sinasabing tatlong maseselang eksena ang ginawa nina Joem at Jake na pawang hindi ginamitan ng plaster.

    Ang una’y sa tabing ilog, ikalawa ay sa batuhan habang kapwa walang saplot, at ang ikatlo’y ang pinaka-intimate scene dahil sa loob ng bahay nangyari.

    Sa kabilang banda sinabi naman ni Jake na pare-pareho na ang temang ginagawa niya, mapa-pelikula o teleserye—drama at action—kaya naman tila na-bored na siya. “Gusto ko kasi natsa-challenge ako kasi feeling ko nasa maturity level na ako na bilang artista kayang i-portray ang iba’t ibang klase ng role.

    “Ayoko kasing maging predictable bilang artista, gusto ko ‘yung nanggugulat. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin ko itong Lihis, since si Direk Joel naman ang director.”

    Sa mga lovescene nina Joem at Jake, lagi iyong take one dahil ani Jake, “First time ko ginawa at sabi ko itotodo ko na. Mas mahirap kasi na ‘di pagbutihin baka paulit-ulit lang ipagawa ni Direk at mapagalitan kami.

    Pagkatapos talaga ng eksena biniro ko si Joem, halika na mambabae tayo,” nangingiting kuwento pa ni Jake.

    Bukod kina Jake at Joem, kasama rin sa pelikula sina Lovi Poe, Isabelle Daza, at Ms. Gloria Diaz. Playing important roles are Raquel Villavicencio, Lloyd Samartino, Jaime Pebanco, Tony Mabesa, at Alex Castro.

    Ang premiere night ay gagawin sa September 8, 7:00 p.m. sa SM Block Cinema 2 at ipalalabas ito sa lahat ng SM Cinemas nationwide mula September 11-17.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here