Home Headlines Mga baboy sa ilang lugar sa Bulacan, sine-census at babayaran bago patayin...

Mga baboy sa ilang lugar sa Bulacan, sine-census at babayaran bago patayin laban sa ASF

850
0
SHARE
Photo grabbed from net

(Photo grabbed from web)

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Ang mga baboy sa ilang lugar sa paligid ng barangay Pritil sa bayan ng Guiguinto ay ipinag-utos ng Department of Agriculture na bilangin at bayaran bago isalang sa culling bilang hakbang laban sa African Swine Fever.

Ito’y kasunod ng magpositibo sa naturang sakit ang ginawang pagsusuri sa 81 mga baboy na inilibing sa Guiguinto noong huling linggo ng Agosto.

Ayon kay Romy Santiago, kapitan ng barangay Look 1st sa Malolos, isa sa siya pinatawag sa pagpupulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Provincial at Municipal Veterinary Office, MDRRMO’s.

Kasama daw sa mga gagawing preventive measures laban sa African Swine Fever ang culling ng mga baboy sa 1kilometer radius ng barangay Pritil.

Magtatalaga din aniya ng checkpoint sa mga lugar sa paligid upang hindi makapasok ang ano mang karne o buhay na baboy sa lugar na ito sa lalawigan.

Ayon sa impormasyon, inatasan ang mga kapitan ng barangay na i-census ang lahat ng baboy at ibibigay ang listahan sa Provincial Veterinary Office.

Dito naman ipapaliwanag sa mga hog raisers kung bakit kinakailangang kunin ang kanilang mga alagang baboy at patayin na babayaran ng P3,000 kada piraso.

Hahanap din ang barangay ng isang lugar na malayo sa kabahayan upang mapaglibingan ng mga baboy upang tiyakin na hindi makaapekto sa mga residente ang mga baboy na ililibing.

Ayon naman sa mga backyard raisers na sina Romy Chico at Myrna Chico, wala silang magagawa kung hindi ang sumunod sa utos ng pamahalaan sa kanilang mga baboy.

Kahit na luge sila sa pagbili dito ng gobyerno na P3,000 kada piraso ay papayag na rin sila para maiwasan na ang sakit na ito ng mga baboy.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here