Menor de edad, nang-hostage ng sariling kapatid

    437
    0
    SHARE

    SAN JOSE DEL MONTE CITY —- Isang hostage-taking ang naganap sa Baranggay Minuyan dito kung saan menor de edad ang hostage taker. Ayon sa ulat ng SJDM PNP, isang 15-anyos na lalaki ang nanghostage ng kanyang kapatid na 10 taong gulang na babae.

    Naganap ang hostage drama bandang ala una y media ng madaling araw ng Martes. Hawak daw ng suspek ang itak at dinadaganan ang kanyang kapatid. Pinagtataga pa daw ng suspek ang aparador ng kanilang bahay.

    Nung una ay inakala ng mga residente na may nanloob sa bahay ng dalawang menor de edad ngunit napag-alaman na ang hostage taker ay ang nakatatandang kapatid ng biktima. Tumagal ang hostage-taking ng halos limang oras bago ito natapos nang pwersahan ng pinasok ng mga otoridad ang bahay at doon nalaman na ang kinse anyos na lalaki nanghohostage ng kanyang kapatid.

    Ayon naman sa pahayag sa City Social Welfare and Development Office, ng 10-gulang na bata, may lumiligid daw na isang lalaki sa kanilang bahay kayat sinara daw ng kanyang kapatid ang pintuan ng bahay. Hinarang daw ng kapatid ang aparador sa pintuan ng bahay upang hindi makapasok ang sinasabing lalaki.

    Aminado ang menor de edad na babae na humawak ng itak ang kanyang kapatid. Samantala batay sa counselling ng CSWD sa suspek ay umamin ito na gumagamit siya ng shabu. Ngunit tumatanggi ito na sumalang siya sa drug testing at kaya daw niyang lumayo sa masamang bisyo.

    Irerekomenda naman ng CSWD na sumailalim ang 15-anyos na suspek sa drug testing. Ayon pa sa CSWD, hallucination lamang ng suspek na may umaaligid na lalaki sa kanilang bahay bunga ng droga.

    Sa ngayon ay sasailalim ang suspek sa series of counselling habang pinag-aaralan kung ipapasok ito sa drug rehabilitation program. Ayon naman kay “Jay,” ama ng dalawang bata, wala siyang alam na bisyo ang kaniyang anak na lalaki.

    Gayunpaman ay kung ano daw ang magiging desisyon ng CSWD sa kaso ng kanyang anak ay sasang-ayon siya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here