Home Headlines MECQ sa Bulacan: Public transport tigil pasada na naman

MECQ sa Bulacan: Public transport tigil pasada na naman

225
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Tigil pasada muli ang mga jeepney at tricycle simula bukas dahil isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang lalawigan ng Bulacan.

Dahil dito, malungkot na naman ang mga jeepney drivers dahil tigil na naman ang kanilang hanap-buhay. Sa katunayan, nakapamasada lamang sila ng halos apat na linggo noong MGCQ at nang mabigyan ng Land Transportation and Regulatory Board ng special permit upang makabiyahe.

Ayon kay Rogelio Carlos, pangulo ng asosasyon ng mga driver sa Malolos, ibinaba na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang atas na tigil pasada muli ang jeepney at tricycle.

Reklamo nila na halos apat na linggo pa lamang sila nakakabiyahe ngunit matitigil na naman sila bukas. Sana aniya sa pagkakataon ngayon sa ilalim ng MECQ ay mabigyan na sila ng ayuda ng pamahalaan dahil wala na naman silang pagkakakitaan.

Hinaing pa niya, hindi pa sila nakakatanggap ng ayuda mula noong una pang ipatupad ang lockdown ng buwan ng Mayo.

Para naman sa tricycle driver na si Abelardo Villena, bukas ay MECQ na naman at hindi muli sila makakapamasada at inaalala kung paano sila kikita ng pangtustos sa kanilang mga pamilya.

Mula nitong muling makapamasada ay kahit papaano ay kumikita siya ng P150 hanggang P200 kada araw kumpara ngayong MECQ ay wala na naman silang kita.

Kayat panawagan niya sa gobyerno na sana ay mabigyan sila ng ayuda ngayong MECQ.

Iniinda na daw nila ang masamang epekto na ito ng pandemya sa kanilang pamumuhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here