Mayor Wong, di ningas kugon?

    430
    0
    SHARE
    Matatandaang ang Mayor ng San Simon,
    Na si Leonora Simbulan Capule-Wong,
    Ay naging ‘subject’ na nitong ating kolum
    Hinggil sa ‘ting muling pagtalakay ngayon

    Sa parehong isyu, kung saan ay medyo
    Pinasaringan ng ating artikulo
    Ang Alkalde tungkol sa ilang pagbabago
    Na napabalitang sinimulan nito

    Pag-upo niya bilang Mayor ng San Simon,
    At kung saan siya’y naging ‘talk of the town’
    Bunsod ng kanyang napaka-aktibong
    Pag-ganap sa kanyang hawak na posisyon

    At naging paksa ng ating kolum noon
    Ang napabalita tunkol kay Mayor Wong,
    Kung saan ‘constructive criticism’ itong
    Ating pinalaman bilang ganting tugon.

    Sa ‘ting pagsasabing sana’y hindi ningas
    Kugon lang si Mayor sa pagpapatupad
    Ng kung anong ninanais na palakad
    Para tuluyan niyang mabago ang lahat.

    Ng dinatnan nito, partikular na r’yan
    Ang wala sa oras na pasok ng ilan;
    (Na aywan kung sino ang pinagmanahan
    Sa naging Alkalde nitong nakaraan)
     
    At kaugnay ng ‘constructive criticism’
    Ay taasan naman ding pinuri natin
    Si Mayor sa kanyang mga mabubuting
    ‘Programs of work’ nito na kapansin-kapansin.

    Ang ganda ng dating at pagkakaiba
    Kumpara sa ilang naging Alkalde na,
    Sa puntong ‘visible’ nga kasi lagi siya
    Kaya maasahan ang presensya niya.

    At aktibo nitong pagharap sa lahat
    Ng mga gampanin bilang ‘public servant’
    Na lubhang malayo sa iniwang bakas
    Ng pinalitan niya – na si Digos Canlas

    Na di kasing ganda ng naging ‘performance’
    Ni Wong, ‘particular in terms of attendance;’
    Kung saan ang agwat nila’y ‘miles in distance’
    Lalo sa isyu ng ‘effective governance’

    Di ko sinasabing nasapawan niya
    Ang sinumang naging Alkalde bago siya,
    Pero sa haba ng ‘time’ sa opisina
    Aywan kung ilan ang tatalo sa kaniya.

    Kaya dalangin ng kanyang kababayan,
    Harinawang siya’y manatiling ganyan
    Sa pagharap nito sa lahat ng bagay
    Na marapat nitong tapat magampanan

    At di ningas kugon lang si Leonora Wong
    Sa pag-ganap bilang Mayor ng San Simon,
    Upang ang pag-unlad ay magtuloy-tuloy
    Sa nasabing bayan sa kanyang panahon

    Pagkat gaano man kaganda ang lugar
    Ay di mangyayaring basta sisigpaw yan,
    Gaya ng kay Mayor Oca, kundi rin lang             
    Malinis at tapat ang nanunungkulan;

    At may dedikasyong bago ang lahat na
    Ay wagas na pagsisilbi sa tuwina,
    Ang isa-isip ng may hawak kumbaga
    Sa ugit ng barko sa paglalayag niya

    Upang makarating ng maluwalhati
    Sa patutunguhang pugad ng lunggati,
    Kung saan sa bandang huli’y pagbubunyi
    Ang kakamting tiyak ng tapat na mithi!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here