IBA, Zambales – Patay ang dalawang bodyguard, samantalang lima pa ang sugatan ng pagbabarilin ng di kilalang kalalakihan na pawang nakasakay ng motorsiklo ang bahay ni Mayor Danny Pamoleras sa Sitio Calaguit, Barangay Dirita ng nasabing bayan.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Sr. Supt. Rolando Felix, Zambales Police Provincial Office (ZPPO) director, kinilala ang mga namatay bunga ng mga tinamong tama ng bala mula sa M-16 armalite riffle na sina Bernie Abagon at Malvar Ganayan na umanoy bodyguard ng alkalde.
Sugatan naman at nasa mabuti ng kalagayan sina Mayor Danny Pamoleras na nagtamo ng gasgas sa tiyan at baba makaraan itong madaplisan ng bala ng M-16 armalite riffle; Ruben Mauhay, 48-anyos; Malenio Abadam, 58-anyos; Herson Nebres, 44-anyos at Joseph Contreras, 16-anyos, caretaker.
Sa imbestigasyon ng pulisya bandang alas 7:15 ng gabi habang ang grupo ng alkalde ay nagkakasa-yahang nag-iinuman umano ng bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga di kilalang suspect na armado ng M-16 armalite riffle at nakasuot ng bonnet.
Ayon sa ulat, dinapaan umano ng dalawang bodyguard si Mayor Pamoleras sa unang bugso ng putok ng baril upang iligtas ito pero sinawing palad ang mga ito.
Nabatid pa sa ulat na madilim ang labas ng bakuran ni Mayor Pamoleras kung kaya hindi nila napansin ang pagdating ng mga suspek ng sila ay pagbabarilin.
Kaagad naman nagsawa ng hot pursuit operation ang Zambales PNP at 24th Infantry Battalion ng Philippine Army para tugisin ang mga nagsipagtakas na suspek.
Patuloy pang nagsasagawa ng malawakang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing krimen kung anong grupo ang nasa likod nito.