mabigyang pansin at kaukulang oras
para daluhan ng isang naghahangad
maging Alkalde ng asensadong siyudad
Binale-wala ng ‘mayoral candidate,’
na patapos na ang kanyang ‘terms of office’
sa Senate, at ngayon nga ay sa Angeles
humabol ‘to replace incumbent Mayor Ed’
Sa akala kaya natin ay magiging
aktibo yan sa pag-ganap ng tungkulin
at di palagi nang di makapa natin
sa city hall gaya ng sa Senado rin
Kapag siya ang pinalad na manalo
sa darating na a’nuebe r’yan ng Mayo?
Kasi kung nagawa nitong di dumalo
sa ‘peace covenant’ na idinaos dito
Na dinaluhan ng mga maglalaban
sa pagka-Alkalde, Vice Mayors, Konsehal
at mga nagtatag nitong ‘peace covenant,’
sa loob pa mandin ng isang Simbahan
(Ang pagsipot pa ba nito sa tanggapan
itong di magsilbing kwenta pasyalan lang
ni sir minsan sa isang linggo o isang buwan,
gaya ng siya ay Punong-lalawigan
At maging nang siya’y maupong Senador,
na ayon sa nakalap na impormasyon
ni ‘yours truly,’ siya ang pinaka-maugong
mag-hilik kapagka’ may deliberasyon?
Aywan lang kung siya ay may pinagbago
na sa ilang kakaiba nitong estilo,
matapos ang ‘2 terms’ nito sa Senado,
na walang-iniwan din sa Kapitolyo.
Kung saan kapag di pumasok ng Lunes,
yan ay malamang na sagad hanggang Biernes
ay ni anino niya sa Governor’s office
di mo na makapa (kung di ka matinik?).
Sa puntong naturan, lalo’t itong hinggil
sa di pagsipot niya sa ‘covenant signing,’
Yan ay ‘disrespectful’ sa Angeleño na rin
at sa ‘organizers’ kung paka-suriin.
Ang pagbale-wala niya sa proseso,
ay maliwanag na kawalan din nito
ng mabuting paki-kipagkapuwa tao
kung pakatitingnan sa ibang anggulo.
Tama’t sumipot ang kanyang ‘chief of staff
to represent him on the said peace covenant’
Pero kung wala rin namang maliwanag
na idinahilan wala ring binatbat!
Baka naman dahil sa siya’y artista
ang akala’y pihong panalo na siya?
Alalahanin niyang walang ng karisma
sa pulitika ang mga tulad nila.
Di matatawaran ang galing ni Lapid
sa pag-aartista at iba pang hilig,
Pero pagdating sa mundo ng ‘politics,’
Baka ni sa ‘passing grade’ di siya sumabit.
Pero kung talagang ninanais niya
na makapagsilbi ika nga sa Masa,
Eh ba’t di sa Porac na lang humabol siya
upang makatulong sa kabalen niya?!