Mabuti na lamang at nangibabaw din
ang batas hinggil nararapat sundin
ng Korte Suprema sa di n’yan pagkiling
kina Leni upang ang kanilang hiling
Na huwag ituloy r’yan ng ‘highest tribunal’
ang pag- ‘canvass’ nitong boto ng nag-halal
kay BBM para sa pampanguluan,
dahil ang pagtakbo raw nito ay bawal?
Sa anong klase ng krimen nagkasala
ang anak ni Apo Lakay, na Jr. niya?
Kahima’t totoong may ‘tax evasion’ siya,
ito’y di mabigat na pagkakasala.
‘Ex-convict’ na nga ba na maituturing
itong ni saglit ay di siya nakatikim
nakulong dahil sa anumang ‘heinous crime’
na nagawa ang ‘president elect’ natin?
Di siya suspendido para makahabol
ng anumang puesto ‘by means of election,’
kaya nang tumakbo siya bilang Governor
‘in his province almost everyone for Bongbong.
‘As it was not confirmed by any ‘tribunal,
bar of justice and/or any electoral
body that BBM can no longer to run
for any post he’s free to challenge anyone..
Maliban sa siya’y naging Kongresista,
Gobernador nga at tumakbo rin siya
bilang ‘ Vice President,’ ito ay sapat na
batayan ang siya’y ‘qualified’ talaga.
At wala rin siyang anumang ’pending case’
sa alin mang korte dito sa daigdig
maliban dito sa laging ginigiit
ng mga kalaban niya sa ‘politics’;
Na kesyo ang mga Marcos magnanakaw
at nilimas nila ang kaban ng bayan
nang noon pangulong tawag Apo Lakay,
na hanggang ngayon ay di napatunayan~.
‘Trillions of pesos’ ba ang pondo ng bansa
nang panahong iyon na nakaupo nga
si Marcos, Sr. na ang daming nagawa
sa kakaunting badyet na batid ng madla?
Ang NLEX, LRT, Heart Center at iba
pa riyang pinatayo ni Madam Imelda,
ang mga naturan pagpapakilala,
na ginastaan yan ng malaking pera.
May mananakaw ba ang pamilyang Marcos
ng kundi man ‘Trillons’ ay ‘Billions of Pesos
kung katulad nga ng sapat lamang halos
ang pera ng bayan sa mga nagastos?
Napatunayan na ang ibinibintang
na lubhang salat ‘yan sa katotohanan
kaya marapat lang na tigilan na yang
tsismis na wala ring sapat na batayan.
Ibaon na natin sa limot ang lahat
ng di magagandang bunga nang lumipas
na nagdulot lamang sa’tin ng bagabag
at nang kawalan din ng magandang bukas~.