Maui Taylor, Mo Twister nagbati na

    130
    0
    SHARE

    Isang taon na yung away nina Maui Taylor at Mo Twsiter. Nagsimula ito nang mag-resign si Maui sa kanilang controversial radio show.

    Pero nagkita nga ang dalawa nang mag-guest si Maui sa isang TV talk show kamakailan lang. Nangyari ito sa Startalk ng GMA 7.

    Unang tanong nga ni Pia kay Maui, how does she feel now that she’s in Mo’s territory?
    Natatawa naman si Maui nang sumagot. Aniya, “Actually, to tell you honestly, I’ve been so nervous coming here. They’ve been telling me to come here live, pero, sabi ko, parang ayoko yata. Kasi, I’m not sure kung okey na kami ni Mo.

    “And this is the first time actually that we’re seeing each other after one year…as in, after one year,” pagbibigay diin pa niya.

    Pia asked Maui kung ano raw ba talaga ang pinag-ugatan ng pag-aaway nila ni Mo na nauwi sa pagre-resign niya from the radio show?

    “Actually kasi, during that time when I was in radio, I was busy campaigning. So, siyempre dumarating ako ng late. Naiinis siya when it comes to attendance. He was being rude. He was being rude in radio. Pero wala na yun, okey na yun…”

    Pero totoo raw ba na may sinabi si Mo na talagang ikinapikon niya?
    “Sabi niya, ‘Resign now! I don’t care!’ Ha-ha-ha!  So, I did at hindi na ‘ko pumasok since then.”

    Sinagot naman ni Maui si Pia na ready as ever na raw siyang harapin si Mo. Sa puntong yun, tinawag na nga ni Pia si Mo na may dalang bulaklak para kay Maui at pabirong lumuhod pa ito sa harapan ni Maui at nag-sorry habang may ilang segundo rin silang nagyakapan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here