Isang malaking belen na waring binabantayan ng dalawang malalaking anghel sa ilalim ng isang malaking punongkahoy.
Nagniningning na Christmas lights mula sa mga LED bulb ang bumabalot sa municipal hall na sa harapan ay may dalawang life-size na mga anghel.
May nakabitin ding mga Christmas lights sa mga puno sa paligid.
Ito at iba pang pamaskong palamuti ang binuksan Biyernes ng gabi sa Orion.
Pinangunahan ni Mayor Antonio Raymundo ang switch-on.