Tama ang hula n’yo, siya rin ‘yung talent manager na maraming alagang sikat ang lulong din sa drugs. Kailan lang ba napabalita ‘yung mahilig itong umupa ng mga bayarang lalaki para pagtripan kapag high na sa drugs. Minsan nga, nakakuwentuhan namin sa kanyang hangout somewhere in Timog ‘yung callboy at ditto marami siyang isiniwalat sa amin. Kapag nagti-trip na raw ang talent manager, parang nagdedeliryo ito na kung anik anik ang lumalabas sa bibig. “Nakakatakot, praning siya talaga, any moment, feeling mo talaga, mananaksak na siya,” ngayon ay tumatawang kuwento pa ng aming kausap.
Minsan naman daw, tinangka niyang tumakas mula sa condo pero talagang hindi niya nagawa. Ang ending, he just had to wait until noontime the next day nang hindi na bangag ang talent manager.
Ngayon nga ay sa casino naman lulong ang manager. Araw araw daw siyang nakababad sa casino at may mga nagtatayang nauubos na ang pera niya. Kumbaga, bumabawi siya pero lalo lang siyang lumulubog. “Kawawa talaga siya, kapag hindi siya nahismasmasan sa kanyang bisyong casino, baka pati pera ng mga alaga niya maubos niya. Hindi na kami magtataka na bukas-makalawa, pinagpipistahan na siya ng mga reporter at ang isyu ay galling mismo sa mga alaga niyang tinakasan niya ng datung.”